Lisa POV
After pumutok ng balita ay dumiretso uwi na kami sa dorm. Nabalitaan ko rin na wala pang statement na binibigay si Mr. Yang tungkol dito. Si Jennie naman ay hindi umuwi sa dorm kundi sa bahay nila. Kaming dalawa lang ni Chaeng ang naiwan dito.
"Anong sinabi mo nung tinanong ka kanina?" Tanong niya sakin habang nakaupo kami dito sa sala at umiinom ng beer. "Sabi ko wala akong alam. Well, wala naman talaga." Diretsong sabi ko sakanya. "Sorry Lisa, hindi ko rin alam yung totoo. Pero una pa lang kinutuban na ko" sabi niya sakin.
"Okay lang, kasalanan ko rin naman. Umaasa ako sa wala. Kaya mula ngayon ay lalayo na muna ako sakanya." Sabi ko, ang sakit rin kasi. Tumayo ako para kunin yung bag ko at i check kung may reply na si Jisoo pero wala pa rin. Ano na kaya ginagawa nun ngayon? "Cheng, alam mo ba kung san pumunta si Jisoo?" Sabi ko sakanya pero umiling lang siya sakin.
Hays. Ilang linggo na nga siya naging busy, nawawala pa siya. "Pero for sure babalik rin yun agad, diba sabi ni Manager Oppa pupunta tayo ng US dahil madami tayong endorsements dun at may coachella pa."
"Kaya huwag mo na masyado mamiss. Hehe! Babalik na rin yun!" Sabi niya pa sakin. Binuksan ko yung twitter ko para tignan kung ano ng latest update. Nakita ko na naglabas na yung YG ng statement tungkol dito. Hmm, bat hindi pa i confirmed? Kung totoo naman? Sabi ko sa sarili ko.
"Nabasa mo ba yung news?" Sabi ko kay Chaeng. "Oo, hindi ko rin alam kung bakit. Pero alam mo naman, paborito ni Mr Yang si Jennie. Panigurado ay pagtatakpan niya yun" sabi ni Chaeng. "Pero nag confirmed na yung SM, so totoo nga yun" sabi ko pa sakanya. "Totoo naman talaga Lisa. Kaya mag move on ka na" natatawang sabi niya sakin.
Hindi naman naging kami eh. So, pakiramdam ko ay madali ko lang mababaon sa limot tong nararamdaman ko.
After 3days...
Ilang araw na rin yung nakalipas. Ngayon na ang flight namin papunta sa US. Nabalitaan ko na nakarating na rin si Jisoo ulit dito, pero wala pa rin siyang reply. Habang busy ako mag ayos ng gamit ko ay biglang pumasok si Chaeng sa dorm. "Dalian mo kaya, aalis na tayo" rinig kong sabi niya.
Sinoot ko na lng yung jacket ko at sinara na rin yung maleta ko. Anong balita kay Jennie? Hindi ko rin alam. Pero text siya ng text sakin. Hindi ko na lang nirereplayan. Isa lang ang plano ko ngayon. Iparamdam sakanya na kahit kailan ay hindi siya nag exist sa buhay ko. Isa pa, kaibigan niya kami. Bakit hindi niya man lang sinabi samin? Bakit kailangan pa umabot sa ganun point.
Pagkasakay namin ng Van ay narinig ko na biglang tumunog yung phone ko. "Hello bunso! Ngayon ko lang nabuksan ang phone ko. See you later! Xoxo!" Reply sakin ni Jisoo. Napangiti naman ako dahil dun agad ko dinial yung number niya.
Hello?
Jisooooooo!!! Sigaw ko sa Van, tinignan naman ako ng masama ni Chaeng.
"Grabe Lisa ang ingay mo pa rin!" Natatawang sabi niya sakabilang linya.
"Nandiyan ka na?" Tanong ko sakanya.
"Yup, so see you both okay? Lisa, ibaba ko lang nandito na pala si Jennie." Sabi niya at narinig ko na naman yung pangalan na yun.
Nagpaalam na ko at binaba ko na yung phone ko. After ilang minutes ay nakarating na rin kami. Nakita ko na magkasama na pala yung dalawa dun sa gitna. Binaba na yung gamit namin ni Chaeng at kinuha na lang namin yung mini bag namin.
Pagkadating dun ay napansin ko na nakatingin sakin si Jennie na kasalukuyang nakahawak kay Jisoo. Pero di ko sila nililingon. Bumati kami sa mga nasa harap namin at nagsimula ng maglakad.
BINABASA MO ANG
Stuck with you (Completed)
Fanfiction"Limang taon na ang nakalipas, pero hanggang ngayon patago pa rin kitang minamahal."