Eccedentesiast

306 9 6
                                    

Jisoo POV

"Di ka pa matulog Jisoo Unnie?" tanong sakin ni Chaeng. Kagigising niya lang kasi at ako naman ay kanina pa nanonood ng tv. "Mamaya na, di pa naman ako antok eh. May niluto pala akong food kumain ka na diyan" sabi ko sakanya at ngumiti naman siya sakin. "Uyyy ano meron?" tanong niya ng nakangiti. Ano nga ba? Ah. Uuwi na kasi si Lisa ngayon. Naisip ko lang, eto na yung simula ng pannunuyo ko sakanya.


Pero space nga daw diba? Hays. Ewan ko, pero parang di ko kaya.... saka pinagluto ko lang naman siya, para naman samin to lahat so siguro wala naman problema? "Lalim ng iniisip ah? Miss mo na?" Pang asar na tanong sakin ni Chaeng at inirapan ko naman siya. "Ikaw! Ang dami mong tanong. Dun ka sa kusina kumain! Magkakalat ka na naman dito eh!" inis na sabi ko sakanya at mabuti naman ay bumalik naman siya dun.


Habang busy ako sa panonood ay bigla na lang bumukas yung pinto. And there she is... agad na nagtama yung mga mata namin, yung puso ko hindi mapigilan yung sayang nararamdaman nung nakita siya. Para bang natuyo yung lalamunan ko at hindi ako makapagsalita nung nakita ko siya. "Hi Unnie" bati niya sakin ng may ngiti sa mukha. Unnie... "H-hello. K-kamusta ka?" tanong ko sakanya at ngumiti lang siya sakin.


"Hoy Manoban!! Tangina tagal ng fieldtrip mo ha?!" sabi sakanya ni Rosè sabay lapit sakanya at binatukan siya. Natuwa naman ako kasi nagbalik na naman yung ingay dito sa dorm. Ang ingay na naman nilang dalawa. "Gagu bat ang laki ng pinayat mo. Kumakain ka pa ba?!" sita sakanya ni Rosè. Sa totoo lang, matagal ko na yun napansin nung huling usap namin. Hindi lang ako nag open ng topic dahil ang insensitive ko naman siguro kung itatanong ko pa, alam ko naman dahilan kung bakit.


"Sira ka!" sabi nito at nagpaalam na papasok nang kwarto. Tumingin naman sakin si Rosè na tila ba inuutusan ako na yayain ko muna kumain. Pabalik na sana siya sa kwarto niya ng bigla akong tumayo sa upuan at tuluyan ma out balance.. "S-sorry.." sabi ko sakanya. Nalaglag kasi ako pero nasalo niya ko, ang awkward ng position namin. Agad akong tumayo kasi pakiramdam ko ay naririnig niya yung heartbeat ko. Inayos ko yung sarili ko at nakayukong kinausap siya.


"K-kumain ka na ba? Gusto mo bang--"


"Di pa, sabay tayo?" tanong niya sakin dahilan para mapa angat yung ulo ko. Nakangiti siyang nakatingin sakin.


"Si-sige... hintayin kita" sabi ko sakanya at pumasok naman siya diretso sa kwarto.


"Infairness, best actress. Sinadya mo malaglag no?" pangaasar ni Chaeng sakin dahilan para batuhin siya ng neck pillow. "Tapos na ko Unnie. Salamat sa pagkain, balik muna ko sa kwarto ha?" sabi niya na nangaasar pa.


Habang nakaupo ako dito sa sofa ay hindi ako mapakali. Maya maya ay may bumukas na pinto at pagtingin ko ay si Chaeng pala. "Unnie, wag ka na umiyak ha? Mamaya umiyak ka na naman eh! Tulo sipon ka pa naman!" sabi niya at babatuhin ko na naman sana siya ng biglang bumukas yung pinto ni Lisa. Naka pajama na siya at halata mo yung pagod sa mukha niya. "Tara Unnie?" tanong niya sakin at sumunod naman ako sakanya pa kusina.


Pagka upo namin ay nag start na kami kumuha ng food, pero pansin ko ay maya maya yung tunog ng phone niya. "Sagutin mo na kaya muna?" tanong ko sakanya at tumingin naman siya sakin "Si oppa lang naman yan, hayaan mo siya" sabi niya at nagsimula ng kumain. Sa totoo lang, hindi ko alam pano sisimulan yung conversation. Tahimik lang kaming dalawa na kumakain ngayon.


"May shoot ka bukas Unnie?" tanong niya sakin. "Hm, yup meron. Why?" tanong ko sakanya. "Dala ka extra jacket, malamig" sabi niya at bumalik na sa pagkain. Sa totoo lang, nahihiya ako sakanya at wala akong masabi. After namin kumain ay siya na yung nag volunteer na mag hugas ng plato. "Lisa, una na ko ha?" sabi ko sakanya at tumango naman siya sakin. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay hindi ko maintindihan yung puso ko. Nasasaktan ako, at the same time ay masaya dahil nandito na siya ulit.


Pumunta na ko sa kama at sinubukan na matulog na muna. Pero ilang ulit ko man pilitin yung sarili ko na pumikit ay hindi ako makatulog. Kaya lumabas na naman ako ulit at pumunta sa sala. Naabutan ko dun si Rosè na nanonood ng tv. "Oh? Di ka makatulog no?" pangaasar niya sakin. At tumabi naman ako sakanya. Napatingin naman ako sa kwarto ni Lisa at nagsalita na naman siya. "Si Lisa ba? Lumabas may bibilhin daw sa 711" sabi nito at inirapan ko siya.


Magsasalita na sana ako ng biglang nag ring yung phone ko. Sabay kami napatingin ni Chaeng at ng makita ko kung sino yung tumatawag ay napasimangot ako. "Tsk, type ka siguro niyan" sabi nito at inoff ko na yung phone ko. Hanggat maaari kasi ay kundi na work related ay hindi na ko makikipagusap sakanya.


-


After ng gabing yun, ay kapag nasa shoot ako ay di ko na siya kinakausap. Kami naman ni Lisa ay ganun pa rin. Madalas unnie lang tawag niya sakin, hindi na rin siya tumatambay sa sala gaya ng dati. Ilang gabi na rin na nagbabalak akong kausapin siya o katukin sa kwarto niya pero hindi ko magawa.


Sa totoo lang, unti unti akong pinapatay ng pagiging cold niya. Nagsisimula na ko mawalan ng gana kumain, kahit sa trabaho ay parang madalas kami nakaka ilang take dahil sabi nila lutang daw ako. Nagaalala na sakin si Oppa, pero hanggat maaari ay ayoko na magpakita ng weakness ko sakanila. Hanggat maaari ay gusto ko ipakita kay Lisa na maayos lang ako. Na kaya ko rin.


Dahil ayoko na isang araw ay babalik siya sakin ng napipilitan lang siya. Ayoko na babalik lang siya sakin dahil naaawa na siya sa lagay ko. Kaya kahit na sobrang miss ko na siya, ay nagtitiis ako. Kasi alam ko naman sa part ko na may kasalanan ako. At kailangan ko siyang hintayin, dahil yun ang desisyon na nabuo sakin.


"Jisoo, last scene na to tas uuwi na tayo" sabi sakin ni Oppa habang nagpapahinga ako dito. Sa totoo lang, nahihilo na ko kanina pa. Di ko alam dahil ba sa pagod dahil mula kanina pa kami dito at ngayon ay madaling araw na.


"Ready na? Action!" Sabi samin ni Direk. Habang kinukuha yung scene namin ni Hae in ay naramdaman ko na yung pagbigat ng mata ko dahilan para tuluyan akong bumagsak.....


"Jisoo? Jisooo!" rinig kong tawag niya sakin. Pag dilat ko ay nasa kwarto na ko ng bahay namin at nakabihis na. "Mabuti naman nagising ka na" sabi niya sakin ng nakangiti. Ngayon ko lang nakita ulit yung mukha niya ng malapitan. Hindi ko tuloy mapigilan na maiyak. Ilang araw na kong nagpipigil ng luha ko. Sobrang miss ko na siya.


"Halaa bakit ka umiiyak?" Nagaalalang tanong niya sakin at niyakap ko naman siya. "Please, kahit one minute lang" sabi ko sakanya at hindi naman siya pumalag dahil naramdaman kong niyakap niya rin ako. Sa isang buwan na pangungulila ko sakanya ay sa wakas nayakap ko rin siya ulit... Tinanggal niya naman yung pagkakayap niya sakin at pinunasan yung mga luha sa mata ko.


"Wag ka na umiyak. Di bagay sayo, ganda ganda eh" pangaasar niya pa dahilan para hampasin ko siya sa braso. "Ikaw napaka mo!" inis na sabi ko sakanya at for the first time after a month ay narinig ko na ulit yung tawa niya. Miss na miss ko talaga siya. "Oh kumain ka na ha? Wag ka na magpapakapagod. Nako kukutusan ka namin ni Chaeng" sabi niya sakin.


Kahit pano ay nakaramdam ako ng saya sa puso ko dahil nagaalala pa rin pala siya sakin. "Saka magpahinga ka mabuti okay? Tandaan mo nagiisa ka lang, pag nawala ka pa. Edi wala ng Jisoo diba? Alagaan mo sarili mo" sabi niya pa sakin na kala mo mas matanda siya kung manermon siya. Sasagot na sana ako sakanya ng biglang may kumatok sa pinto.


"Lisa?" tawag ni Rosè sakanya. "Uy Unnie kamusta na?" tanong nito sakin at ngumiti naman ako sakanya. "Okay na" sabi ko sakanya at nakangiti naman sakin si Lisa. "Nandiyan si Irene Unnie sa labas. Alis na daw kayo" sabi ni Chaeng dahilan para maramdaman ko na naman yung sakit na yun...


Oo nga pala.. bat ba nakalimutan ko? Kaya nga pala siya humingi ng space dahil kay Irene.. dahil may nararamdaman na siya para kay Irene.. "Ah sige, Unnie una na ko ha? Magpagaling ka okay?" sabi nito at tuluyan ng lumabas ng pinto. Pagkalabas niya ay malungkot lang na nakatingin sakin si Chaeng.


After nun ay nagsimula ng bumuhos yung luha sa mata ko. Yung mga luha na ilang araw ko rin pinigilan lumabas. Pano kapag dumating yung araw na marealize niya na di niya na ko Mahal? Pano kung marealize niya na ayaw niya na talaga? Parang iniisip ko pa lang, hindi ko na kaya...


"Unnie naman, ayan ka na naman eh" malungkot na sabi ni Chaeng at niyakap niya ko.

Pano nga ba gagawin ko kapag tuluyan ka ng nawala sakin?



--

Last 9chapters... :)

Stuck with you (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon