8years ago
"Irene, anong oorderin mo?" tanong sakin ni Seulgi habang nakatulala dito sa window ng Coffee shop. May nakita kasi akong clumsy na naglalakad ngayon sa labas. Nakita ko na sumilip si Seulgi at ngumiti ng makita niya yung kasamang babae nung tinitignan ko. "Kilala mo?" tanong ko sakanya at ngumiti siya. "Yup, trainee yan sila ng YG" sabi niya at napatungo naman ako.
Pero naka glue pa rin yung mata ko sa babaeng naka bangs na ang clumsy. Ang dami niya kasing bitbit. Parang lahat ata ng gamit ni girl na kasama niya ay siya yung may bitbit. Nakita ko na masaya naman silang dalawang magkasama. At ng makatayo na siya ay yumakap na sa balikat niya yung babaeng kasama niya at naglakad na sila. Ako naman ay umalis na yung tingin ko sakanila at nag order na ng kape.
Months passed, nakita ko siya ulit. This time, kasama niya naman si Jennie. Masaya silang nagiikot sa Mall. Habang kami ni Joy ay nagiikot rin. Palagi talaga siyang ganun siguro no? Yung nagdadala ng gamit ng mga kaibigan niya? I think napaka bait niya nga siguro. Masyado kasi akong nadadala sa mala barbie niyang mukha. And I think, eto yung unang pagkakataon na tumingin ako sa babae.
2016, I think August? Nang i announce sa South Korea na may bago silang girl group at yun na nga yung blackpink. I think last time ko siya nakita ay wayback 2015? And look at her now. Sobrang ganda niya na. Habang nakaupo kaming lima dito sa couch ay hindi ko mapigilan yung sarili ko na purihin siya. "Ayiie, nagagandahan siya dun sa blonde na may bangs" asar sakin ng pinaka batang member namin. Napansin naman nila na namula ako, at dun na nagsimula yung panunukso nila sakin.
Another months passed, mula mag debut sila ay palagi ko siyang pinapanood sa private account ko. Lahat ng vlive, youtube, pati fancam niya na siya lagi ang trending. Nakakatuwa kasi, habang tumatagal na nakikilala siya ng mga tao ay lalo rin siyang nagiging cute ko sa paningin ko. From Crush, paunti unti ay narerealize ko na palalim na rin pala ng palalim. Pero syempre, dahil alam ko naman na sobrang labo at walang chance, ay makukuntento na lang ako sa ganito. Na tinitignan siya palagi sa malayo..
One time, habang nasa salon ako ay nakasabay ko si Jennie. and after that, nasundan na ng nasundan hanggang sa awards show na nagkakasabay yung group niyo at group namin. Palagi kitang nakikita na tahimik. Naaaawa nga ako sayo nun, kasi na out of place ka. Si Joy kay Chaeng, si Seulgi kay Jisoo ako naman kay Jenny habang si Wendy at Yeri ay pa minsan minsan kay Chaeng at Jisoo nakikipagusap. Ikaw nananahimik ka sa gilid. Minsan ay pinanood kita na tumayo, at sinundan talaga kita ng tingin non.
Akala ko kasi nainis ka dahil walang kumakausap sayo, pero nagulat ako ng bigla kang kumuha ng juice at inabot mo kay Mina ng Twice. By that time, first time ko makaramdam ng selos dahil ang swerte niya naman dahil napapansin mo siya. Samantalang ako ay ni hindi mo matapunan ng tingin. Ilang awards show na yung nangyari, pero hindi mo pa rin ako napapansin. Ang hirap magmahal ng patago no? Wala kang magawa kundi titigan mo lang siya sa malayo habang masaya kasama yung iba.
Finally, after ng ilang taon ay dumating na rin yung araw na kinausap mo ko. Nahihiya ka pa nung pinakilala ka ni Jennie sakin. Tinatawag mo pa kong Unnie at halos hindi ka makatingin sakin. Natatawa pa nga si Seulgi sayo nun dahil masyado kang shy type. Habang ako ay palihim na kinikilig sa bawat salitang sinasabi mo sakin. Sa ilang buwan rin na paglabas labas namin ni Jennie ay bukambibig ka niya. Naalala ko pa, nung umiyak ako sa dorm namin noon.
Halos hindi nila alam kung bakit, pero nung ikwento ko dun lang nila ako naintindihan. Sila pa nga nagsabi sakin na kalimutan na kita kasi alam naman nila na malabo at lalong walang pagasa. Kasi alam namin na gusto mo siya at gustong gusto ka niya. Yung mga live niyo nga noon, iniisip namin na para bang hindi na fanservice yun.
BINABASA MO ANG
Stuck with you (Completed)
Fanfiction"Limang taon na ang nakalipas, pero hanggang ngayon patago pa rin kitang minamahal."