Jisoo POV
Masakit na makita yung mahal mo na may kasama na iba. Atang mas masakit pa dun, yung hawak hawak niya ngayon yung ex love niya. Pero wala naman akong magagawa eh. Dahil patago ang relasyon namin, ay pikit mata ko na lang na tinatanggap lahat.
Hanggat maaari ay ayoko tignan. Pagkadating namin sa Airport ay akala ko tapos na, pero hindi pa pala. Nakita ko kung pano niya alalayan at protektahan si Jennie. Naramdaman ko naman yung pagpisil ni Chaeng sa kamay ko na parang sinasabi niya na magiging okay rin ang lahat.
Kilala ko naman si Lisa. Bago pa lang maging kami, ganyan na siya samin. Lalo na kay Jennie. Pakiramdam ko nga, kaya nalaman ni Chaeng yung nararamdaman ko para kay Lisa ay dahil sobrang transparent ko pag dating sakanya. Pag dating kasi kay Lisa, lahat ng dapat na normal lang. Nagiging extra at special.
Pagkasakay namin ng eroplano ay napansin ko naman na tahimik lang si Lisa. Nagpaalam ako kay Chaeng para mag cr, pero ang totoo ay dadaanan ko lang si Lisa. Nandun kasi siya sa bandang bintana. Pagkalapit ko sakanya ay nakita ko na mahimbing siyang natutulog. For sure napagod to sa lakad namin kahapon.
Ninakawan ko lang siya ng halik saglit at bumalik na ko sa upuan ko. Alam ko naman na pagbalik namin sa Korea ay hindi ko siya makakasama kagad. Pagkadating namin sa Airport ay lalo lang akong nalungkot. Hindi ko man lang kasi siya makakasama o mayayakap. Clingy na kung clingy. Pero masama bang mag crave ng yakap at halik sa taong minamahal mo?
Sa totoo lang, habang tumatagal kami ay lalo ko nararamdaman yung pagkabaliw ko sa pagmamahal sakanya. Malungkot lang akong tinignan siya at umalis. Naiwan naman kami ni Oppa dito dahil pupunta pa kami sa meeting ko.
Pagkadating sa Venue ay nandun na pala lahat. Nagulat na lang ako ng pagpasok ko ay nakita ko siya. Jung hae-in? Sabi ko sa isip ko. Bat kaya siya nandito? Kasali rin kaya siya sa cast? Bigla na lang ako napahawak sa bibig ko ng maalala ko kung para san nga pala tong meeting na to.
"Hi Jisoo" bati nito sakin pagkaupo ko sa upuan. Nginitian ko naman siya at binati rin. Maya maya ay dumating na yung direktor at ipinakilala na nga siya samin.
"Jisoo, siya pala magiging leading man mo. Si Jung hae-in." Pagsasabi nito sakin. "Magkakilala na ba kayo?" Tanong pa nito.
"I think yes. Nagkikita kami sa awards show before" sagot nito sakin.
"Pakiramdam ko ay magiging malakas ang chemistry niyong dalawa!" Tuwang tuwa na sabi ni direk. Ngumiti na lang ako at hindi na nagsalita pa. Sa totoo lang, wala ako sa mood eh. Namimiss ko na kasi yung Limario ko :( Ano na kaya ginagawa nun dun? Hays
Naramdaman ko naman na tinapik ako ni Oppa. "Girl, kinakausap ka niya" sabi nito at napatingin naman ako kay Jung hae in. "Ha? Sorry. May sinasabi ka ba?" Tanong ko sakanya at ngumiti naman siya sakin. Yung ngiting ewan. Nakakainis di naman kami talo neto.
"Tinanong ko lang kung available ka ba later for coffee? Maganda sana kung mapagusapan na natin yung about sa series." Sabi nito sakin. "Hm, sorry kailangan ko kasi umuwi agad. Kagagaling lang namin ng Japan." Sabi ko sakanya at kita mo naman yung disappointment sa mukha niya.
"Ikaw naman binasted mo agad" rinig kong sabi ni Oppa dahilan para sikuhin ko siya agad. "Okay, next time na lang siguro no? Pag wala kang ginagawa." Sabi pa nito sakin habang nakangiti ng abot hanggang tenga. Sa totoo lang, di ko siya feel. Lol
Nang matapos yung meeting namin ay nagmamadali na ko papunta sa parking lot. Miss na miss ko na talaga siya :( "Oppa tara na please" sabi ko kay Oppa na busy pa makipag kuwentuhan sa Manager ni Hae in. "Sige alis na muna kami ha? Pagod na tong alaga ko eh" sabi nito at naglakad na kami paalis.
BINABASA MO ANG
Stuck with you (Completed)
Fanfiction"Limang taon na ang nakalipas, pero hanggang ngayon patago pa rin kitang minamahal."