Chapter 16

492 17 0
                                    

Jisoo POV

"Love naka pack na ba lahat ng gamit mo?" tanong sakin ni Lisa. "Opo, kanina pa" sabi ko naman sakanya. Nagulat naman ako ng bigla niya akong buhatin at dinala sa kama. "Love naman! uuwi na tayo eh!" inis na sabi ko sakanya. "Saglit lang Love, hindi pa kita nakikiss eh" reklamo niya naman. 


Nagkatitigan naman kaming dalawa habang ako nakahiga, habang siya naman nasa siko niya nakadantay. "Love, pwede ba ko matulog sa kwarto mo minsan?" nahihiyang tanong niya sakin. "Hmm, isipin ko muna baka kasi rapin mo ko eh" natatawang sabi ko sakanya. Ayan sumimangot na naman siya at humaba yung nguso niya. Natawa naman ako sakanya at tinignan ko siya maigi. Hinawakan ko yung pisngi niya at nagkatitigan kami ulit.


"I love youuu, Love" sabi niya sakin. Dahil dun ay hindi ko na napigilan yung sarili ko at tinapos ko na yung distansya samin dalawa. Hinalikan ko na siya. Eto yung unang beses na hahalikan ko siya ng ganito. Napahawak naman ako ng mahigpit sa leeg niya habang siya ay humawak na sa may bewang ko. Maya maya ay nagulat ako ng bigla siyang bumitaw. "Sorry Love, need bumitaw baka di tayo maka abot sa flight. Hehe" sabi niya pa. Namula naman tuloy ako. Masyado akong nadala sa kiss eh.


Pagkalabas namin ng kwarto ay lumapit kami kay Rain at nagpasalamat sa lahat ng tulong niya samin. Sabi pa namin ay sa susunod na siya naman ang magbabakasyon ay siya naman ang ito-tour namin. Pagkasakay namin sa sasakyan ay sakto na tumawag si Oppa. "Hay nako! Kaloka kayong dalawa! Kanina pa ako tumatawag sainyo. Kung ano ano na naman sigurong himala ang pinag gagagawa niyo" stress na sabi niya samin. Natawa naman tuloy si Rain. 


"Bakit ba? Bat ka ba ganyan?" natatawang tanong ni Lisa. "Hay nako! Nalaman ng mga reporter na babalik na si Jisoo ngayon. At nagaabang na sila dito." stress na sabi niya. So may mga nagaabang na pala? Hmmm. "Edi makikita nila kami" sabi ni Lisa ng nakangiti. "Ayun na nga! Panigurado ay iisipin nila na magkasama kayo umalis. Dahil hinahanap ka nila noong nakaraan pa." Pahabol niya pa. Sila Rose at Jennie kasi ay panay ang IG Stories, habang ako naman ay ganun rin. Si Lisa lang ang hindi nag popost at nagpaparamdam, kaya for sure ay hahanapin nga nila yun. 


"Okay lang yun Oppa, palagi naman talaga kaming magkasama umalis." sabi ko sakanya. "pero hindi ngayon, yung ganito katagal" stress niya pang sabi. "Kami ng bahala dun okay?" sabi namin sakanya at nagpaalam na. "Ready ka naman Love diba?" tanong niya pa, at ngumiti naman ako sakanya ng matamis. Lagi naman akong ready basta siya eh. After ng kalahating oras ng byahe ay nakarating na kami sa Airport. Bago kami magpaalam kay Rain ay nagpa picture siya samin at ng hingi ng Autograph para sa anak niya. Pagkasakay namin sa eroplano ay natulog muna kami dahil mahaba haba iyong byahe.



Incheon International Airport


"Ready Love?" tanong sakin ni Lisa at tumugon naman ako. Magkahawak kamay kaming lumabas sa may kuhaan ng mga bag at nakita namin si Oppa na dumating na. "Sige na, mauna na kayo maglakad ako na bahala dito sa mga bagahe niyo" sabi niya samin. Paglakad namin palabas ng pinto ay nagsitakbuhan na yung mga reporter palapit samin. Nagulat sila ng makita nila kami ni Lisa na magkasama. Habang naglalakad kami ay nakayakap ako sa braso niya, at magkaholding hands kami. Akin lang tong Limario ko. Parang batang sabi ko sa isip ko.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Habang naglalakad kami ay sige naman ang picture nila samin. Nang makarating kami sa madaming paparazzi ay tila ba nangasar pa si Lisa at hinalikan ako sa pisngi. "Hay nakooo mga pasaway talaga kayo" stress na sabi ni manager oppa sa likod namin. Habang si Lisa naman ay tawa lang ng tawa. Nang makarating kami sa labas ng Airport ay agad kaming sinalubong ng Van namin at sumakay na. "Hay nako Manoban! Ano yung pagkiss mo ha?" stress na tanong niya at tinawanan lang namin siya.


Dumiretso naman kami sa BP Dorm. Pag open ko ng phone ay nakita ko yung mga headline ngayon na magkasama daw kami ni Lisa na nagbakasyon. Pag open ko ng private twitter account ko ay nagkakagulo ang fans namin at may pa hashtag pa na #LiSooIsReal. Natuwa naman ako sa mga nababasa ko. Pero may iba rin na hindi. Yung iba kasing Jenlisa fans ay nagagalit at hinahanap si Jennie. Agad ko naman inoff yung phone ko at nag focus na lang sa katabi ko.


Bigla kong naisip, uuwi na nga pala kami. Pano kaya ang magiging set up neto sa dorm namin? Nandun na kaya si Ruby Jane? sa sobrang busy ko sa pagiisip ay bigla akong hinalikan ni Lisa sa pisngi. "Ano? Kulang pa labing labing sa London?" puna na naman samin ni Oppa. "Hahahaha! Ano ba yan Oppa, nakakain ka ba ng ampalaya today?" natatawang sabi ni Lisa. Pagkadating namin sa building ay hinatid kami ni Oppa sa unit namin. At pagkabukas niya ng pinto ay biglang nagulat kami sa party pooper ni Chaeng. 


"Yeyyy! Welcome Home babies!" natatawa niyang bati samin. Pagtingin ko ay nasa labas ng kwarto si Ruby Jane at nakatingin samin. Si Lisa naman ay busyng busy tulungan si Oppa na iayos yung gamit namin. "Congrats" bulong na sabi sakin ni Chaeng nginitian ko naman siya dahil dun. "Love pasok ko na ba to sa kwarto mo?" tanong sakin ni Lisa dahilan para magkatinginan kami nila Chaeng.


"Love?" gulat na tanong ni Jennie. Bigla naman tuloy nagsalita si Oppa "Ako na magpapasok tulungan mo ko Lisa" sabi nito sakanya at tinulungan na lang ni Lisa na magbuhat si Oppa ng gamit. Alalang tumingin naman sakin si Chaeng. Niyaya niya akong maupo at tinanong niya kung kamusta na ko ng biglang lumapit samin si Jennie.


"Guys, may sasabihin pala ko sainyo." rinig kong sabi niya. 


"Break na kami ni Kai" sabi niya dahilan para malaglag ni Oppa bigla yung bag na dala dala niya. Nagkatinginan naman kami ni Chaeng. "Ha? Kailan pa?" tanong ni Chaeng sakanya. "Hm, nung US tour pa natin." diretsong sabi niya.


Bigla naman akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko. At ang daming tanong na gumugulo sa isip ko. Bakit? Dahil ba kay Lisa? Gulong gulo yung isip ko at di ko na naririnig halos yung mga sinasabi niya....


"Jisoo? nakikinig ka ba?" tanong sakin ni Jennie. "Ha? Ano yun?" tanong ko sakanya. "Kamusta bakasyon niyo ni Boo?" tanong niya sakin. "okay naman" sagot ko sakanya at tumayo na. "Sorry guys, magpapahinga muna ko ha? haba kasi ng trip namin eh" sabi ko sakanila at dumiretso na ng kwarto. Nagaalalang tumingin naman sakin si Lisa.


Pagkapasok ko ng kwarto ay nahiga lang ako. Ayoko magisip, at ayokong umiyak. Kaya pinikit ko na lang yung mga mata ko saglit para mapahinga man lang. Maya maya pa ay may naramdaman akong mga labi sa noo ko. Pagmulat ko ay nakita ko si Lisa sa harapan ko. 





Bigla naman akong tumayo at niyakap siya ng mahigpit. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot. Ayokong mawala siya sakin, ayokong mapunta siya saiba.... Gusto ko sakin lang siya :(






Stuck with you (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon