Tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase at lunch break na kaya inayos ko na agad ang mga gamit ko sa desk. Ramdam ko ang pares ng matang kanina pa ako pinapanood pero kanina pa rin ako nagpapanggap na hindi ito napapansin.
I know Ava is watching me the whole time. Pasulyap-sulyap siya sa akin habang nagka-klase. Feeling ko tuloy ay may gusto siyang sabihin na pilit ko namang iniiwasan dahil ayoko ng pag-usapan pa ang nangyari kagabi.
After ko kasing makauwi sa bahay kasama siya ay hindi ko na ito naabutan but I woke up with a towel on my forehead. May note din siyang iniwan sa bedside table ko reminding me to drink my medicine at nakapagluto pa siya ng soup na isinulat niya rin sa note na painitin ko na lang.
Everything she did last night really confused the hell out of me lalo na ang paghalik niya sa akin sa parking lot pero ayoko ng umasa ulit.
Wala naman si Brielle ngayon dahil nagkataong may practice sila ng cheerleading. Nag-message siya kanina sa akin na puntahan ko siya sa gym para sabay pa rin kaming mag-lunch.
"Kienn." Tawag nito na ine-expect ko na.
Hindi ako umimik. Pasimple akong tumingin sa paligid at nakalabas na pala ang lahat bukod sa aming dalawa.
Nang matapos akong magligpit ay tumayo na ako agad at isinukbit ang isang strap ng backpack ko sa balikat. I will stick on ignoring her dahil ito naman ang dapat gawin.
"Hindi ka na muna dapat pumasok ngayon. You should have stayed home." Sabi niya ulit so I've decided to answer 'cause I still respect her.
"I'm not sick anymore, ma'am." Iyon lang isinagot ko saka ako dire-diretsong naglakad palabas ng classroom.
Sumisikip pa rin talaga ang dibdib ko sa tuwing ginagawa ko ito pero kailangan kong tiisin. Alam kong sa una lang naman ito mahirap at masasanay din ako.
"So... anong ganap mo sa sembreak?"
I glanced at Brie saka ko pinagpatuloy ang pagkain. Nasa cafeteria na kami at kanina pa siya nagku-kwento ng plans niya for sembreak. Next week na iyon at naisipan ko namang bumisita sa hacienda namin sa Nueva Ecija. That's my favorite place since I was a kid and miss ko na rin silang lahat doon.
"I think I'll visit our hacienda." Sagot ko.
"Iyong Hacienda Alcantara?" Nanlalaki ang matang pagkukumpirma ni Brie sa sagot ko, I nodded.
The Hacienda Alcantara is the largest rice producer in the country kaya kilala ito hindi lang sa bansa kundi na rin sa buong Asia. Aside from rice ay maraming pang ibang crops na tanim doon and we also have farm animals.
It was owned by my Daddy Lolo na ipinamana niya naman sa'kin as his present for my 7th birthday. Alam niya kasi na gustong-gusto ko ang hacienda at nagkakasundo talaga kami doon lalo na kung tungkol sa Casa Royale-the horse stable in Hacienda Alcantara.
"Parang ayoko na sumama sa family ko sa Japan, sasama na lang ako sa'yo sa Hacienda Alcantara. Ang tagal ko ng pangarap makarating do'n e." Brielle said while pouting.
"You will definitely enjoy there pero pwede naman tayong pumunta sa ibang araw. Just tell me when." Nakangiti namang sagot ko para pagaangin ang loob niya na mukhang nanlulumo na.
Parang nagningning naman ang mga mata niya at bigla pang hinawakan ang kamay ko gamit ang dalawa niyang kamay.
"Talaga?"
"Of course but please let go of my hand." Pabiro akong ngumiwi kaya sinuklian niya ako ng irap sabay bitaw sa kamay ko.
Nang matapos kaming kumain ay hindi pa rin natatapos si Brie kakatanong tungkol sa hacienda lalo na ng malaman niyang mayroon akong white Akhal-Teke-one of the rarest breed of horses.
BINABASA MO ANG
Make You Mine
RomanceTamara Kienn Alcantara thought she's straight until she met Ava Calista Andrade, the well-known and reputable professor of Callister University. She's extremely frigid but with exceptional wit and beauty that captures the heart of the youngest Alcan...