Chapter 36

138K 4K 2.8K
                                    

Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanood si Miss Andrade na nakapalagayan agad ng loob sina Nana Dahlia at ang ibang pang mga taga-baryo. Dito kasi kami dumiretso pagkatapos naming maligo sa ilog ng maalala kong may ibibilin nga pala ako kay Kuya Nestor para bukas.

"Tamara apo, halika na rito." Nana Dahlia called me, waving her hand.

Nakangiti akong tumango at pumasok sa kubo dala ang mga plates na pinasuyo niya sa aking kuhanin sa loob ng bahay nila.

Naabutan din namin ang munting salu-salo na nakagawian na ng mga taga-baryo kaya ang lahat ay nandito. Each household will cook food and they will share it to everyone at isa ito sa mga na-miss ko sa hacienda.

"Magandang gabi ho, señorita." Bati sa akin ng lahat.

"Tamara na lang po. Magandang gabi rin sa inyo." Nakangiting sagot ko saka nilapitan si Miss Andrade.

"Sociable ka pala?" Biro ko pa at katulad ng inaasahan ay inirapan niya 'ko.

"Ang daya. Bakit kapag sa 'kin ang taray taray mo?" I pouted. Nakita ko namang sandali itong bumaling sa 'kin bago muling umirap at inagaw ang mga hawak kong plates.

"Let's eat." Tanging sagot niya at nagsimula ng maglagay ng pagkain sa plato.

Lalo akong napasimangot at kukuha na rin sana ng plato ko pero inilayo niya naman.

"Ava-"

"You don't have to get your plate. This plate is yours. Anong gusto mo?" She cut me off bago pa ako makapagmaktol.

"Ikaw." I unconsciously answered but I suddenly realized what I've said at bago pa magsalubong ang mga kilay niya ay inunahan ko na. "I mean... ikaw... paano 'yong pagkain mo?"

Goodness! Bakit ba hindi ko ma-control ang bibig ko?

"I can help myself." Sagot niya.

Hindi agad ako nakapagsalita. Pina-process pa kasi ng utak ko ang nangyayari dahil hindi ako makapaniwalang ikukuha niya ako ng pagkain. Seryoso ba talaga? Sa natatandaan ko kasi sinabi niya sa akin noon na hindi siya katulad ni Miss Mandy.

"Kienn, are you with me?"

Nawala ako sa mga iniisip ng muli kong marinig si Miss Andrade at bago pa ito tuluyang mainis ay itinuro ko na ang shanghai.

"I want that one and this one too." Tinuro ko rin ang isa pang ulam na I think ay Caldereta. Tahimik naman itong kumuha ng mga itinuro ko saka naglagay din ng rice.

Kinuha ko ang pagkakataong iyon para kumuha ng plate at siya naman ang ikukuha ko ng pagkain.

"Alcan-" Biglang lumakas ang boses niya ng makita akong kumukuha ng pagkain pero siya rin ang kusang tumigil dahil nakuha namin ang atensyon ng ilan.

"Let me." Tukoy ko sa pagkuha ko ng pagkain para sa kanya at hindi na naman ito tumutol pa.

"Hey! That's too much!" Puna niya sa laman ng hawak kong plate na sinadya ko talagang damihan.

"Damihan mo ang kain mo. Nangangayayat ka na."

Ang hina niya kasing kumain. Napansin ko 'yon kanina sa steakhouse at totoong nangayayat siya nang kaonti.

"Kienn, I can't eat all of that." Tutol niya pa rin.

"Konti lang ang kinain mo sa steakhouse." Giit ko naman. Tiningnan niya naman ako sandali bago muling umikot ang mga mata. Grabe talaga ang babaeng 'to.

"Fine. Eat well." Aniya sabay alis dala ang plate na dapat ay para sa akin.

"What-wait! Ava! That's not fair!"

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon