"Where are you going?" Bungad sa 'kin ni Miss Andrade pagpasok ko pa lang ng kitchen.
Napahinto tuloy ako sa gulat dahil hindi ko inaasahang gising na siya ng ganito ka-aga pero agad din akong nakabawi ng makita ko si Rouge. Bakit napaka-aga rin ng isang 'to?
"Magde-deliver." Alanganing sagot ko saka kinunotan ng noo si Rouge na pangisi-ngisi sa tabi.
"Deliver what?" Parang hindi convinced na sabi ulit no'ng isa at salubong na nga rin agad ang mga kilay. Napaka-aga namang magtaray.
"Magde-deliver ng coffee beans sa may malapit na coffee shop." Sagot ko ulit saka ako lumapit sa fridge para kumuha ng tubig. Hindi ko talaga ine-expect na maaabutan ko siya rito ngayong umaga.
"Saang coffee shop, Tam? Sa The Chaff?" Dinig ko namang tanong ni Rouge.
"Yeah." I answered, not looking at her. Napaka-aga niya rin akong binubwisit. Wala naman sa usapang pupunta pa siya rito sa bahay ngayon.
"Talaga? Sama ako! I heard magaganda raw 'yong owners no'n."
Mabilis akong napalingon dahil sa sinabi ni Rouge at pinandilatan ko siya ng mga mata. Kahit kailan talaga ang bibig ng babaeng 'to.
"No. May pupuntahan ka 'di ba?" Nagpipigil ng inis na sabi ko.
"Kahit dadaan lang ako saglit? I wanna have some coffee bago ako umalis. Masarap din coffee nila doon and 'di ba ikaw naman-"
"Alright!" Putol ko sa kanya bago pa kung anong masabi nito dahil sa kadaldalan. Ang aga-aga gusto ko siyang sabunutan!
Malakas na umusod ang upuan kung saan nakaupo si Miss Andrade kaya napatingin kaming dalawa sa kanya.
"Womanizers." That's what she said before she walked out of the kitchen.
Muntik na ngang malaglag ang panga ko habang nakahabol ng tingin sa kanya pero itong si Rouge ay tatawa-tawa pa. "Strike one?"
"Damn you, Rouge Kirsten."
...
"Woah! Is this the Ram 1500?" Mahang sabi ni Rouge pagpasok namin ng garage.
"Ram 1500 limited night edition." I answered smirking. Bagong bili lang ito ni Mommy Tami kaya excited na akong gamitin.
"Magde-deliver ng coffee beans tapos high end pick up ang gamit? Grabe Tam ah! Masyado mo naman kaming pinagmumukhang hampaslupa niyan." Tinulak pa niya ako sa balikat na ikinatawa ko naman.
"Gaga! Gusto ko lang talaga i-try gamitin 'tong bagong pick up na binili ni Mommy Tami."
"Grabe, sana all talaga ganito kayaman!"
Napapailing na lang ako sumakay sa pick up dahil baka hindi kami matapos sa kadaldalan ni Rouge.
Dinaanan lang namin saglit sa storage house ang mga sako ng coffee beans at ngayon ay papunta na kami sa The Chaff. Hindi ko rin maiwasang maisip si Miss Andrade dahil hindi na ito bumaba kanina pagkatapos mag-walk out sa kitchen. Sisihin ko man si Rouge ay hindi ko na rin naman mababawi pa ang init ng ulo no'n na ayaw ko sanang mangyari kahit ngayon lang. But knowing her, isang himala na hindi uminit ang ulo o magtaray 'yon kahit isang beses sa buong araw.
"Why so serious, girl? Masyado mo bang dinidibdib 'yong pag-walk out ni Ava? Or 'yong pagtawag niya sa ating womanizers?" Kantyaw ni Rouge na ikinaikot ng mga mata ko.
"Shut up. That was your fault in the first place." Inis na sagot ko.
Tumawa naman ito na lalong nagpa-inis sa 'kin. "E malay ko ba kasing gano'n siya kaselosa?"
BINABASA MO ANG
Make You Mine
RomanceTamara Kienn Alcantara thought she's straight until she met Ava Calista Andrade, the well-known and reputable professor of Callister University. She's extremely frigid but with exceptional wit and beauty that captures the heart of the youngest Alcan...