Chapter 15

120K 4K 4.2K
                                    

A/N: Hello! So ayon na nga ano, heto na ang statement ko sa ayaw mag-open na Chapter 15 kanina. Dahil sa kalutangan ko ay na-publish bigla ng hindi pa tapos kaya ni-unpublish ko ulit. Pasensya na sa mga na-hopia pero heto na nga at bumabawi na. Lol.

=====

"Ano pa pong gusto niyo mahal na rey-Miss Ava." Biglang bawi ko dahil nakatanggap ako nang nakamamatay na tingin galing sa kanya.

E paano utos na naman nang utos. Ang sarap lang ng upo niya sa bench dito sa park habang ako pabalik-balik sa pagbili ng mga gusto niya. Una 'yong cotton candy tapos biglang gusto raw no'ng bilog-bilog na white na tawag niya fishball then ngayon naman water. Ang sakit na nga ng paa ko kakalakad.

"Who told you to call me Ava?" Masungit na tanong niya habang binubuksan ang bottled water pero mukhang hirap na hirap.

"Me." Nakangiting sagot ko pagkatapos umupo sa tabi niya.

She looked at me seriously at tumigil din sa pag-remove ng cap na hindi niya pa rin maalis.

"We're not close, Alcantara."

"We are." I immediately answered. Tiningnan ko pa ang space sa pagitan namin na ikinangiwi niya.

"Corny." Bulong nito pero pinarinig pa rin naman sa 'kin.

"Maganda naman." Natatawang sagot ko.

"Conceited."

Umirap siya ulit at sinubukan na namang buksan ang bottled water. Ako naman ay pigil na pigil ang tawa dahil hindi niya pa rin talaga mabuksan.

"Stop smiling, Alcantara! It's annoying!"

I bit my inner cheek to suppress my laugh. Ang cute niya talaga kapag naiinis.

Nanahimik na lang ako habang pasimple siyang pinapanood. Kulang na nga lang ay sumabog ang water bottle dahil sa higpit ng pagkakahawak niya pero hindi niya pa rin talaga maalis 'yong cap.

"Let me do it for you, ma'am."

Tiningnan niya sandali ang inilahad kong kamay bago pabagsak na ibinigay sa akin ang bottle. Sungit.

"Kapag nabuksan ko 'to we're close na ah." Pabahol ko pa.

Akmang aagawin niya sa akin 'yong bottle pero mabilis ko itong iniwas at binuksan.

"Paano ba 'yan, ma'am. Bukas na." Ngiting-ngiting sabi ko.

"In your dreams, Alcantara." Pagsusungit niya na naman sabay hablot ng hawak ko. Tumayo rin siya at nagsimulang malakad kaya mabilis akong humabol.

"May gusto pa ba kayo, ma'am?"

"I'm full already." Sagot niya habang diretso lang ang tingin at nakahalukipkip.

Puro food stands kasi ang nadadaanan namin ngayon at sobrang dami ring tao. Ang nakakainis pa ay masyadong head turner ang kasama ko kaya bawat nadadaanan namin ay automatic na napapatingin.

"What the-" Miss Andrade uttered when a man suddenly bumped him.

Natapunan rin siya ng juice sa dibdib kaya mukha na itong inis na inis habang 'yong lalaki naman ay nahuli kong napangisi. So sinandya niya huh. What an ass.

"I'm really sorry, miss. Let me help-" Napahinto siya sa pagsasalita at nagtataka akong binalingan. Pinigilan ko kasi ang kamay niya bago pa makitulong daw sa pagpunas sa dibdib ni Miss Andrade.

"Gusto mo..." I paused and looked at him sternly. "...sumabog mukha mo?"

"I'm just trying to help-aw!"

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon