"C'mon, girls! Let's play beach volleyball." Excited na aya ni Ate Ysa at may hawak ng bola.
"Uy tara masaya 'yan! Kakampi ko si Tamara ah." Ngiting-ngiti lumapit sa akin si Miss Iryn at yumapos sa braso ko.
"Me too. Kina Tam-Tam na lang ako." Si Miss Mandy naman ngayon na katabi ko lang at ikinalunok ko pa ang pagpulupot ng kamay niya sa kabilang braso ko.
Biglang hinampas ni Miss Chantel ang table at naniningkit na tinuro ang dalawa. "Hoy! Ang dadaya niyo ah!"
"Anong madaya ro'n? E kayo nga ang tatangkad kay CJ pa lang tsaka nandiyan si Ava oh. Sa amin na lang din si Loraine—"
"Hindi ako sasali."
Napahinto si Miss Iryn sa pagsasalita at lahat kami ay napatingin kay Miss Andrade nang malamig itong sumagot. Seryoso lang din itong nakatingin sa hawak niyang phone habang nakatupi ang isang braso.
"Hoy, Ava. Huwag kang KJ diyan. Lahat sasali." Sagot agad ni Miss Iryn.
Ilang saglit pa silang nagpilitan hanggang sa wala ng nagawa si Miss Andrade dahil pinagtulungan na siya ng mga kaibigan niya.
Kanina pa rin ako nakakatanggap nang masasamang tingin mula rito at parang may gusto siyang sabihin pero alam kong dahil sa nangyari kagabi ay malaki na ang agwat sa pagitan namin.
Pumwesto ako sa unahan habang nag-iinat. Napansin ko rin ang pagdami ng mga taong nanonood na kanina naman ay wala pa. Ang bilis nilang dumami.
"Tamara galingan mo ah. Ikaw at si Loraine lang ang pag-asa natin."
Natatawa kong nilingon ni si Miss Iryn. Kung sino pa 'yong excited kanina ay sila pala ang hindi marunong maglaro ng volleyball.
"Siguraduhin niyong mare-receive niyo nang maayos ang bola. Kahit 'yon lang." Baling naman ni Miss Loriane sa dalawang kaibigan niya.
Hindi ko akalaing ganito sila ka-competitive. Iyong kabilang team pa nga ay mukhang may meeting habang nakaikot nang pabilog. Si Miss Chantel ang nag-iinstruct pero hindi ko talaga maiwasang mapatingin kay Miss Andrade na sa lahat ng mga kasama niya ay siya lang ang parang walang pakialam. Seryoso lang siyang nakahalukipkip at parang naiinip. Ibang klase talaga.
"Hoy, galingan mo ah! Ang dami mong fans dito. 'Wag mo kaming bibiguin." Tawa-tawang sabi ni Brielle sa gilid.
Ang galing mang-asar por que hindi siya kasali. Siya kasi ang nagprisintang maging referee dahil nine kaming lahat at para may aawat daw kung sakaling magkasabunutan iyong limang professors. 'Di ba, napaka-loko?
"Hoy, awat na 'yang meeting niyo! Masyado mo namang dinidibdib 'tong game, Chantel, e ang laki-laki na nga ng iyo!" Sigaw ni Miss Iryn.
"Inggit ka lang kasi flat ka!" Sagot naman ni Miss Chantel na ikinatawa namin.
Nag-asaran pa sila ni Miss Iryn dahil ayaw nitong pumayag na flat siya. Pero ngayon ko lang din napansin na sa kanilang lima ay si Miss Chantel nga ang may pinakamalaking hinaharap. Sumunod lang si—
Nawala ang ngiti ko at napahinto rin ako sa pagtawa nang dumako ang paningin ko sa babaeng masama na naman ang tingin.
Kahit napakataray niyang tingnan ay lalo lang naman itong nagpapalakas sa appeal niya. She's only wearing her blue polkadot two piece now, flaunting her well defined curves and flawless skin. Oh ghad. This sight of her can make you drool a river.
"Ang mata, Tamara. Magsa-start na ang game oh." Saway ni Brielle at doon lang ako bumalik sa sarili.
Tapos na rin pala silang mag-toss coin at nakila Miss Chantel ang bola. Si CJ pa ang magse-serve.
BINABASA MO ANG
Make You Mine
RomanceTamara Kienn Alcantara thought she's straight until she met Ava Calista Andrade, the well-known and reputable professor of Callister University. She's extremely frigid but with exceptional wit and beauty that captures the heart of the youngest Alcan...