Chapter 11

111K 3.6K 4.5K
                                    

As usual ay hindi na naman pumayag na sumabay pauwi si Miss Andrade kaya wala na akong nagawa kundi ang umuwi mag-isa. Ang tigas na naman kasi.

Dumiretso ako sa kwarto at nagbihis. Pagkatapos ay humiga muna 'ko sandali. Bigla ko kasing naisip ang sinabi ni Sab kanina. Dapat ba akong matuwa dahil nagawa ko ng ihatid si Miss Andrade sa kanila?

Nawala ako sa iniisip dahil tumunog ang phone ko. When I checked it ay notification pala sa fb at nag-send sa akin ng friend request si Alex. Agad ko itong in-accept.

Maya-maya lang ay tumunog na naman ang phone ko. Nagchat si Alex.

Alex Andrade
Hi, ate. Good evening!
Invite lang kita tomorrow,
birthday ni nanay. Pinapapunta
ka rito sa bahay.

Sure, Alex. Expect
me to be there. 😉

Thanks, Ate Tam!
See you tomorrow! ❤️

Nag-react ako ng heart sa last message niya bago ko ibaba ang phone ko. Sakto Saturday bukas kaya walang pasok.

Maaga akong nagising dahil balak kong tumulong kina Nanay Alicia. Wala rin naman akong gagawin ngayong umaga kaya pupunta na lang ako ro'n.

"Aalis ka?" Tanong ni Ate Aia na kakapasok lang ng kitchen.

Tumango ako. "I'm going to Miss Andrade's house. Birthday ng mom niya."

Hindi sumagot si ate at tiningnan lang ako nang seryoso kaya kumunot ang noo ko.

"You like Miss Andrade?" Seryoso pa ring tanong nito habang kumukuha ng pancake na niluto ko.

Muntik na ako masamid dahil sa gulat. "W-What?"

"I know you heard me, Tamara."

Kumuha muna ako ng fresh milk saka uminom bago magsalita. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"I just... like her as my professor. Like how I like Miss Mandy."

Nag-iwas agad ako ng tingin ng makita kong titig na titig pa rin sa akin si ate na parang ina-analyze ang mukha ko.

"Just keep in mind that she's your professor."

Tumango na lang ako at tahimik na kaming kumain.

Patapos na ako nang biglang mag-ring ang phone ni ate sa ibabaw ng table. Kumunot din ang noo ko when I saw the caller's name, it's baby with a heart emoticon.

"What the fu-" She halted from cursing when she saw me looking at her. Tinaasan ko pa siya ng kilay pagkatapos kong humalukipkip.

Ate Aia immediately declined the call. Mukha rin siyang hindi mapakali na ewan.

"Baby huh." I uttered.

"It's not what you think, Tamara." Iritado niyang sagot.

"Really? Alam na ba 'yan nila mommy?"

"I said it's not what you think! That's Miss Carter! I don't know kung bakit gano'n ang contact name niyan sa phone ko. Siya ang nag-save niya without my consent!"

Kumunot ang noo ko dahil hindi ako familiar sa Miss Carter na binanggit niya but based on her facial expression, parang alam ko na. Inis na inis e.

"Si Miss Chantel?" Pagkukumpira ko.

"Sino pa nga ba?" She answered and rolled her eyes.

"All I can say is..." Tumingin siya sa akin nakakunot ang noo kaya pinigilan ko ang tawa ko. "...just keep in mind that she's your professor."

Tumakbo agad ako palabas ng kitchen bago niya pa ako mabato no'ng lalagyanan ng fresh milk.

"TAMARA KIENN! COME BACK HERE!"

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon