Special Chapter: Gift

222K 5.1K 5.1K
                                    

Nagmadali akong bumaba ng hagdanan ng may marinig akong umiiyak. Dumiretso ako sa living room at doon ko naabutang umiiyak si Caysie. Si Tamiya naman ay salubong lang ang mga kilay habang nakatingin sa pinsan niya.

"Hey, what happened here little ladies?" Tanong ko nang tuluyan akong makalapit sa dalawa.

Tuloy pa rin sa pag-iyak si Caysie habang nakatakip sa dalawang kamay sa mga mata niya at ang anak ko naman ay hindi rin nagsasalita.

"Tamiya Kierr... what happened?" I asked my daughter again.

"I just told her that she's ugly now 'cause she lost one of her teeth." Tamiya answered and crossed her arms.

Gusto kong mapa-face palm dahil sa sagot nito pero binalingan ko na lang ulit si Caysie.

"Hey, honey. Don't cry na. You're not ugly, okay? Nagjo-joke lang si Tamiya. Right, baby?" Tiningnan ko ulit ang anak ko na ma-attitude pa rin. Manang-mana talaga sa pinagmanahan. "Say sorry to your cousin now."

"Fine. I'm sorry, Caysie. That was a joke kasi you made fun of my bangs din before e."

Pinigilan kong matawa sa sinabi niya at alam kong sincere naman ang sorry na 'yon. Mukhang sumama talaga ang loob niya dahil last year pa naman no'ng pinagupitan namin siya na may bangs.

Tamiya is five now while Caysie is four. Silang dalawa talaga ang pinaka-close sa mga magpipinsan pero madalas ding mag-away.

"Caysie... sorry na raw sabi ni Tammy." Malambing na sabi ko habang hinahaplos ang buhok niya.

"Alright. I'm sorry din Tammy for making fun of your bangs." Humihikbing sagot nito.

Tamiya nodded and Caysie hugged her. Napangiti naman ako.

"Huwag na kayong mag-aaway huh? Your tita and mommy will be here soon. She'll get disappointed kapag nalaman niyang nag-aaway kayo." Sabi ko sa dalawa.

"Yes, mommy."

"Yes, tita."

Sabay namang sagot ng dalawa.

"What happened here? Why Caysie is crying?"

Napalunok ako ng may magsalita sa likuran ko. Kakasabi ko lang e.

I stood up and faced my wife. Magkahawak-kamay sila ni Avi at masama ang tingin nito sa akin. Ang isang anak ko naman ay nakatingin sa ate at pinsan niya. Galing silang dalawa sa grocery habang ako naman ang nagbantay sa dalawa.

"I'll tell you later. Bati na rin naman 'yong dalawa." Bulong ko bago ko binuhat si Avi. She's one year younger than Tamiya but she's very bright at kamukhang-kamukha ng mommy niya.

Well of course, kamukha ko si Tamiya kaya sa second name rin ang tawag sa kanya ni Ava but that kid inherits her finest katarayan. Masyado rin atang na-spoiled ni Mommy Tami dahil madalas niyang hiramin si Tamiya noon.

Naalala ko tuloy 'yong time when Ava gave birth to Tamiya. Si Mommy Tami talaga 'yong pinaka-iyak nang iyak at tuwang-tuwa. Gano'n din ang reaction niya when I gave birth to Aviah. Sobrang proud niya na nadagdagan na naman daw ng magaganda ang lahi naming mga Alcantara.

"Mommy."

Napatingin ako kay Avi ng kalbitin ako nito at tawagin.

"Yes, honey?" Nakangiting tanong ko.

Lumapit naman siya sa tainga ko at mukhang may ibubulong kaya naglakad ako nang kaonti para makalayo sa kanila. Si Ava naman ay kinakausap na si Caysie at Tamiya kaya hindi niya na rin kami napansin.

"Mommy bought something for you. Did you buy her present?" Avi whispered that made me chuckle.

This sneaky kid.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon