Chapter 25

131K 3.7K 4.3K
                                    

Punong-puno ngayon ang convention hall kung saan gaganapin ang coronation night ng Miss University kaya sobrang ingay din kahit hindi pa man nagsisimula.

Mabuti na lang at napa-reserve ni Brielle ang seats dito sa harapan kaya maganda ang pwesto namin. Nakita ko rin si Miss Iryn kanina kasama si Miss Loraine na papunta sa backstage. Iche-check daw nila 'yong tatlo since sina Miss Chantel at Miss Mandy ay kasama raw ni Miss Andrade sa backstage para bihisan at ayusan siya. Grabe rin talaga ang support nilang magkakaibigan.

Nagsimula na naman ang sigawan nang mag-play ang video ng candidates mula sa LED video wall. May kanya-kanya rin sinusuportahan ang mga students na may mga dala nga rin banners, tarps at kung anu-ano pa pero hindi kami magpapahuli.

Katulad ng sinabi noon ni Miss Iryn ay sinagot ko ang banners na may print na 'GO MISS ANDRADE!' and 'GO CANDIDATE #11!'. Magkakasama kaming buong MWC at mga ka-blockmates ko dito sa right side at marami pa akong nakitang ibang supporters ni Miss Andrade na nagkalat. Ang nakakatawa pa ay karamihan mga lalaki'ng engineering students na todo rin kung sumigaw.

"GO, MISS ANDRADE! AAAHHHHHH!" Si Brielle na todo bigay kung sumigaw ng part na ni Miss Andrade sa video. Sa mga ganitong panahon talaga ay sobrang usefull ng maingay niyang bibig. "Hoy, Tam! Support your bebe!"

"Save your voice, Brielle. Hindi pa naman nagsisimula." Natatawang sagot ko.

Pagkatapos ng video ay dumilim ang buong stage. 

Drum beating. Flashing lights. Loud cheering. Lahat 'yon ay sabay-sabay kasama nang mabilis na pagtibok ng puso ko 'cause damn it. It's really starting.

Sobrang lakas talaga ng sigawan ng mga tao, halatang excited na sa magaganap na pageant kaya maging ako ay nate-tense na rin kahit hindi naman ako candidate.

'I was on the mic
Doin' my thing on a friday night...'

Tuluyang lumiwanag ang buong stage kasabay ng music na sa pagkaka-alam ko ay Who's that girl by Guy Sebastian. 

Lalo pang lumakas ang sigawan ng lumabas na ang mga candidates sa magkabilang side at syempre hinanap ko agad ang babaeng kanina ko pa gustong makita.

'Suddenly, you walked in
That's when everybody stopped dancing

And I couldn't stop myself staring
Yeah I couldn't breathe, No I couldn't believe my eyes...'

I mentally cursed when my eyes finally found her. Sobrang ganda niya. Wearing a black long sleeved dress with a long slit on the left side, exposing her flawless leg.

Isa-isa ng nagpakilala ang mga candidates pero wala akong maintindihan ni-isa. Hindi ko nga alam kung humihinga pa ako.  Daig ko pa ang na-engkanto dahil hindi ko na alam kung anong nangyayari.

"Ava Calista Andrade, representing the College of Accountancy, Business Administration and Hospitality Management!"

"Fvck. That's my baby." I mumbled, completely blown away after she introduced herself.

Dumagundong ang buong convention hall at siguradong kahit sila ay ramdam rin ang epekto ni Miss Andrade. I'm aware that she's popular in our university pero nakakagulat pa rin talaga na gusto siya ng ganito karami. Hindi na talaga ako magtataka kung bakit siya nag-trend last time lalo na siguro pagtapos ng pageant na 'to.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon