Chapter 17

118K 4.1K 9.5K
                                    

My eyes widened kasabay ng pagtaasan ng mga balahibo ko at pagrambulan ng kung ano sa loob ng nananahimik kong tiyan. Simpleng pagtawag lang naman sa second name ko ang ginawa niya pero gano'n ka-grabe ang epekto sa 'kin.

Mabilis akong napatayo at tiningnan si Miss Andrade na nakahalukipkip sa gilid namin.

"Let's go." Sabi niya pa na ikinakunot ng noo ko.

"M-Ma'am?" Ngatal na sagot ko dahil sa kabang dulot ng malamig na aura niya.

"You said you're going to drive me home?"

Hindi na ako nakasagot pa dahil tumalikod na siya agad. Teka, sabi niya kanina hindi siya sasabay.

Wala pa rin ako sa sarili ng bumalik sa sasakyan. Natauhan lang ako ng makasakay sa loob at nakita ko sa labas 'yong dalawa na nagkasabay ata sa paghawak sa door handle ng passenger seat.

Hindi ko marinig kung anong pinag-uusapan nila pero si Miss Andrade ay halatang wala sa timpla hanggang sa siya ang nagbukas ng pintuan sa gilid. Si Miss Mandy naman ay dumiretso sa back seat.

"So kayo po muna ang ihahatid ko-"

"Mandy first." Putol niya sa akin in her most serious tone. Humalukipkip din siya pagkatapos isuot ang seat belt at itinuon lang ang tingin sa labas ng bintana.

"Ma'am, doon pa rin po ba kayo sa penthouse niyo?" Baling ko kay Miss Mandy.

"Yup." Nakangiting sagot niya pero halatang nakakaramdam din siya ng awkwardness dahil nga sa biglaang pag-iiba ng timpla ng isa pa naming kasama.

Gano'n kalakas 'yong aura niya na nabalutan agad ang buong sasakyan kaya tahimik kaming lahat sa byahe.

Saktong nag-stop light kaya kinalikot ko na ang stereo. Sobrang awkward kasi talaga ng katahimikan at parang 'di ko na kakayanin kapag nagtagal pa.

'Dalawa kayo sa buhay ko
At ako ngayon ay kailangan nang mamili
Isa lang ang maaari

Alam mong narito ako
Lagi para sa iyo
Mahal kita nang labis
Ngunit iba ang iyong nais...'

I cursed inside my head dahil lalo lang atang dumagdag ang song sa awkwardness. Saktong nag-green light pa kaya hindi ko na nailipat ang kanta.

'Sino ang iibigin ko
Ikaw ba na pangarap ko
O siya bang kumakatok sa puso ko
Oh anong paiiralin ko
Isip ba o ang puso ko
Nalilito litong litong lito...

Sinong pipiliin ko
Mahal ko o mahal ako...'

"Choose the one who loves you." Napatingin ako sa rear view mirror ng magsalita si Miss Mandy sa likod. "Do you agree with me, Tam?"

"Will you be happy if you chose the person who loves you but you don't love them back?" It was Miss Andrade na hindi ko inaasahan ang pagsagot kaya sa kanya naman ako napatingin.

"Kung hindi naman mare-reciprocate ang feelings mo then why would you still push yourself to someone na may gusto ng iba?" Rebut naman ni Miss Mandy.

Parang nakakatakot sumingit sa usapan nila lalo ng makita kong kunot na ang noo ng katabi ko kaya nanatili na lang akong tahimik at pasimpleng pinatay ang stereo.

"But why would you choose the person you're not in love with? Papahirapan niyo lang ang mga sarili niyo." Sagot naman ni Miss Andrade and this time ay napili ko ng sumabad. Baka kasi kung saan pa umabot ang usapan nila.

"I think you don't have to choose between the two."

Kahit nasa daan ang atensyon ko ay ramdam ko ang pagtingin sa akin ni Miss Andrade. Ganoon din si Miss Mandy ng silipin ko sa rear view mirror.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon