Chapter 4

107K 3.3K 2.3K
                                    

"Aia!"

I heard someone called my ate kaya sandali kong inalis ang tingin kay Miss Andrade.

"Happy birthday, Ate Van." Ate Aia said and hugged the girl.

So she's Ate Hannah's sister. Para siyang supermodel at malaki ang pagkakahawig nila. Well, of course they're sisters.

"Where's your sister?" Tanong pa nito ng maghiwalay sila ni ate.

"Tam." Ate Aia called me kaya lumapit ako.

"Happy birthday." I greeted her with a smile. She looked at me from head to toe pagkatapos akong suklian ng ngiti.

"Wow. She's prettier than you, Aia." She laughed at sumimangot naman si ate. Natawa na rin tuloy ako. "Kidding. You both are pretty. Nice to meet you, Tamara. I'm Havana."

"Nice to meet you too, Ate Havana." Sagot ko naman.

Nawala ang tingin niya sa akin and I saw how her eyes widened.

"Oh gosh. Ava!" Gulat na tawag niya.

Ibinalik ko ang tingin kay Miss Andrade na nakatayo na ngayon at naglalakad palapit sa amin.

She's wearing a floral halter dress which made her look so feminine at heto na naman ang puso ko na bumilis na naman ang tibok.

"Happy birthday, Van." Miss Andrade said and flashed a sweet smile.

I was out of breath for a second. Muntik pa ngang malaglag ang panga ko kahit hindi ako ang nginitian niya. My gosh. She's so freaking beautiful when she smiles like that. Marunong naman pala siyang ngumiti.

"Thank you, Ava. I'm glad you came. Sobrang na-miss kita!" Ate Van answered and hugged Miss Andrade.

"I missed you too." Sambit ni Miss Andrade ng maghiwalay sila. "But I need to go. I just came here to greet you and give you this."

Inabot niya ang hawak na maliit na paper bag kay Ate Van na ikinakunot noo naman ng huli.

"Aalis ka na agad? Why can't you stay longer? This is my party and ngayon lang tayo nagkita. Hindi ka pa rin talaga nagbabago."

"You know I hate parties, Van." Umiiling na sagot ni Miss Andrade.

"Basta hindi ka aalis. We need to catch up and oh—by the way girls, this is my gorgeous friend, Ava. Classmate kami sa Callister University noon." Pakilala ni Ate Van sa kanya.

"We know Miss Andrade, ate. Professor siya sa Callister." Sagot naman ni Ate Hannah.

"What?! Tinanggap mo pala 'yong offer ng Callister sa'yo noon?" Gulat na baling ni Ate Van kay Miss Andrade. Mabilis din siyang nagpaalam sa amin at hinila na ito palayo.

Kami naman ay sumunod na rin sa yard para kumain. Kusang naglibot ang mga mata ko sa paligid pero sa dami ng mga tao rito ngayon ay parang imposible ko pa siyang makita ulit.

"Ate, CR lang ako." Bulong ko kay Ate Aia para makaalis ako sa table namin.

Kanina pa kasi ako naiinip. Dumating ang ibang friends nila kanina kaya sila-sila lang ang nag-uusap. Si Brielle naman ay hindi nakapunta dahil may family dinner daw.

Tumango si ate kaya mabilis akong tumayo. Palusot ko kang talaga 'yon dahil ang totoo ay gusto ko munang maglibot-libot.

Hindi ako familiar sa bahay nila Ate Hannah kaya hinayaan ko na lang ang mga paa ko na maglakad kung saan ako nito dalhin.

I ended up in a mini garden. Walang tao rito at may isang lamp post lang ang nagbibigay liwanag kaya medyo madilim.

"Holy—" Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat when I saw someone na naka-upo sa swing.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon