Chapter 21

137K 4K 4.5K
                                    

"Jem, ano 'to?!"

Salubong ang mga kilay kong tiningnan si Jem pagkatapos kong makita ang program flow na binigay niya.

"Why?" Balik tanong niya, feeling walang alam sa ibig kong sabihin.

"Bakit nandito ang pangalan ko? And I have an intermission number? Really?" Akala ko nga ay namamalikmata lang ako kanina pero noong tinitigan ko ay pangalan ko nga talaga.

"Ah iyan ba? Sorry na. Due to popular demand e. Pagbigyan mo na lang."

Mapapalagpas ko na sana ang nakita ko pero itong sumunod ay muntik ko ng malukot ang papel na hawak ko.

Why? Ang guest speaker lang naman ay nagngangalang Sandro Jovan Ramirez. The annoying guy from last night na hanggang dito pala ay hindi pakakalmahin ang dugo ko.

Iniwan ko na nga sila kagabi ni Miss Andrade pagdating nito dahil hindi ako martyr para panoorin pa silang dalawa pero heto na naman siya.

"Who invited this—"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko at lahat din ata ng inis ko ay parang bulang biglang naglaho dahil sa babaeng iniluwa ng pintuan.

"Hi, ma'am!" Exited na bati ni Jem at mabilis na nilapitan si Miss Andrade habang ako ay parang ewan na nakatulala lang.

Damn it. She looks ravishing in her white top designed with beads and black belted skirt. May nakapatong ding light brown blazer sa balikat nito and here she is again, looking so expensive in her sleek ponytail.

Natigil lang ako sa pagsamba sa kagandahan niya ng makita kong nakatingin na pala ito sa 'kin at naka-arko na naman ang isang kilay.

"Is everything ready?" Tanong pa nito habang nakatingin pa rin sa 'kin pero alam kong si Jem ang kinakausap niya.

"Yes po, ma'am. We can start na po any minute." Sagot ni Jem.

"Mr. Ramirez has arrived too. Please let him know about the details of our program." Baling niya ulit kay Jem.

"Okay, ma'am. Labas lang po ako. Tam, ikaw muna bahala rito ah."

Tumango ako at tuluyan na itong lumabas ng dressing room.

I cleared my throat. Hinarap ko rin ang round table kung saan nakalapag ang mga notes ni Jem since siya rin ang emcee mamaya. Nagkukunwari lang akong busy dahil bumibilis na naman kasi ang tibok ng puso ko ngayong kaming dalawa na lang ang nandito and at the same time ay naiinis na naman ako dahil sa pagbanggit niya sa Sandro na 'yon.

"Hindi ka pa ba lalabas?" Dinig kong tanong niya pagkaraan ng ilang sandaling katahimikan.

"I'm waiting for Jem. May pag-uusapan pa po kasi kami." Sagot ko, hindi pa rin siya tinitingnan.

"Now you can't look at me huh."

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil narinig ko rin ang tunog ng takong nito na papalapit.

Gosh, Tamara! Umayos ka. Dapat inis ka pa rin sa kanya 'di ba kasi pinabayaan ka lang niyang umalis kagabi por que dumating ang Sandro na 'yon.

"About last night—"

"Hindi niyo po kailangan mag-explain sa 'kin, ma'am." Putol ko rito at this time ay hinarap ko na siya.

Nangungusap na naman ang magaganda niyang mga mata na lagi talagang nakakapagpahina sa mga tuhod ko.

Humakbang na naman siya palapit kaya pasimple akong napasandal sa lamesang nasa likuran ko.

My ghad. Maawa naman siya sa puso ko!

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon