Chapter 2

145K 3.8K 6.3K
                                    

"Gosh, Tam! G5 pala ang kasabay mo mag-lunch kanina, akala ko si Miss Amanda lang. Sana sinama mo 'ko!"

Kumunot ang noo ko at tiningnan si Brie na kasabay kong naglalakad pabalik sa locker room. Anong minamaktol nito?

"G5?" Takang tanong ko. Ngayon ko lang kasi iyon narinig. Ang dami talagang alam ng babaeng 'to.

"What the fudge, Tamara? Seryoso ka ba talaga? Una hindi mo kilala si Miss Andrade tapos ngayon pati G5 hindi mo rin alam? Ano ka ba? Taga-bundok?" Hindi makapaniwalang litanya niya. Napairap naman ako.

"Pakialam ko ba kasi? And baka nakakalimutan mong kakapasok ko pa lang sa university na 'to dahil galing kami sa US, Brielle." Tinaasan ko siya ng kilay. Iiling-iling naman ito na bumuga ng hangin.

"G5 is Gorgeous 5 consisting of obviously five professors which are Miss Ava, Miss Amanda, Miss Chantel, Miss Iryn, and Miss Loraine. Mga students ang nagbansag sa kanila no'n ang the name says it all. They're gorgeous at sa pagkakaalam ko ay matalik din silang magkakaibigan. Siguro naman ay napansin mo 'yon no'ng nakasabay mo sila kanina?" Mahabang paliwanag niya.

"Ang corny naman." Nakangiwing komento ko.

"Anong corny? Ang cool kaya! May fan page pa nga sila sa FB na gawa rin ng mga students."

"So you're one of their fans?" Natatawang tanong ko.

"Ano naman?" Mataray na sagot niya at inirapan ako. Pikon.

Nakarating na kami sa tapat ng pintuan at saktong pagbukas ko ay bumungad sa amin ang dalawang babaeng naghahalikan sa loob. It was Sab and Claudine.

"What the fudge!" Gulat na sigaw ni Brie. Ako naman ay hindi na nagulat dahil hindi na rin naman bago iyon sa paningin ko since liberated ang mga tao sa US.

Kusang naghiwalay ang dalawa. Nginiwian ko naman si Sab nang nakangisi siyang tumingin sa akin.

Sabrina is a proud bisexual. Nalaman ko iyon when she tries to flirt me pagpasok ko pa lang sa varsity. Sa pagkakaalam ko ay anak din siya ng may-ari ng school na 'to. She's pretty kaya maraming nagkakagusto pero hindi naman siya umubra sa 'kin 'cause as far as I know ay straight ako. Never pa naman kasi akong na-attract sa isang babae. I do appreciate their beauty pero hanggang doon lang.

About the varsity of volleyball ng Callister University, sila na agad ang nag-request na pumasok ako rito pagka-enroll ko pa lang. Hindi naman ako tumanggi dahil plano ko naman talaga sumali. I'm part of the varsity rin kasi noong high school ako sa US at namana ko raw ang hilig sa sport na 'to kay Mommy Tami.

Hinayaan ko lang sila at tahimik akong nag-shower. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na agad ako ng gym. Hindi nga ako nakapagpaalam kay Brie dahil nagmamadali akong umuwi. Late na kasi natapos ang practice namin kaya kailangan kong makahabol sa family dinner namin.

I was about to step on the gas ng may mahagip ang paningin ko sa sidewalk. Hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla akong na-excite. This is weird.

Inihinto ko ang sasakyan sa tapat niya. Ngumiti rin ako nang matamis as soon as the window beside me rolled down.

"Hi, ma'am. Sabay na po kayo."

She looked at me deadpan. Hindi pa siya sumagot kaya para akong napahiya lalo na ng alisin niya rin ang tingin sa akin, totally ignoring me.

"Ay? Snob ka, ghorl?" Bulong ko. Hindi ko na napigilang mapairap dahil sa naramdamang inis.

Pwede naman kasing sabihing ayaw. Ako na nga 'tong nagmamagandang loob mag-aattitude pa siya. At isa pa, never akong na-snob sa buong buhay ko. Ngayon lang!

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon