Chapter 28

130K 3.9K 4.6K
                                    

"Woohoo!"

Umikot ang mga mata ko dahil sa ingay ni CJ.

Wala talaga ako sa mood ngayon pero ang walang hiya ay hinatak ako rito sa The Fortress. Ngayon lang kasi ito ulit napunta rito sa Manila kaya ako agad ang hinanap sa bahay para hatakin kung saan-saan.

"CJ, can you behave? Isusumbong kita kay Tita Clarisse." Inis na banta ko dahil kanina pa siya nakikipaglandian.

Hindi ko tuloy matulungan sina Brie at Ate Ysa dahil hindi ko maiwan ang malandi kong pinsan. Matutuyuan na talaga ako ng dugo sa kanya.

"Ba't ba ang sungit mo? LQ kayo?" She asked after drinking her cocktail.

"Nino?" Balik tanong ko kahit alam ko naman kung sinong tinutukoy niya.

"That gorgeous professor. What's her name again?"

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang pagso-scroll ko sa FB pero agad din akong natigilan.

Napatitig ako sa magandang picture sa screen. It's Miss Andrade who's peaceful sleeping. Mukhang nakatulog ito sa desk niya.

A bitter smile formed on my lips ng makita ko kung kaninong post iyon. Of course it's from her boyfriend at naka-tag lang siya kaya nakita ko.

"So lucky to have you."

That's the caption he wrote kaya nabuhay na naman ang kirot sa dibdib ko.

He's indeed a lucky man.

Nai-straight ko tuloy ang binili sa 'king drink ni CJ at si gaga ay napa-woah sa ginawa ko.

"Confirmed. LQ nga kayo or split na?" Tanong na naman ni CJ.

Sumenyas ako sa bartender na lagyan ulit ng laman ang baso ko bago ko siya sagutin.

"Never naging kami at hindi magiging kami." Seryosong sagot ko saka ininom ulit ang laman ng basong kalalagay lang ng bartender.

I wanna get drunk tonight and forget everything. It's been days pero hindi pa rin humuhupa 'yong sakit.

"Hey, where are you going?"

Papikit-pikit kong binalingan si CJ na medyo malabo na sa paningin ko. Umiikot na rin ang paningin ko dahil sa dami ng nainom but I don't care.

"Rest room." Tipid na sagot ko at pinilit na maglakad nang straight pero hindi ko alam kung straight ba talaga ang lakad ko.

Malakas kong tinulak ang pinto saka naglakad patungo sa sink nang bigla akong natapilok.

I thought I'm going to kiss the floor but someone grab me. Umikot ang katawan ko kasabay ng pag-ikot ng paningin ko kaya hindi ko na alam ang nangyayari. Basta alam ko lang ay sumubsob ako sa malambot na bagay na sobrang bango.

"Are you okay?" Someone said. Her voice is soft and gentle. Nakakakiliti sa pandinig.

"I like your perfume." Imbis na sagutin ko ang tanong niya ay iyon ang lumabas sa bibig ko. Amoy candy kasi siya na may halong vanilla.

Dahan-dahan akong lumayo bago ko binuksan ang mga mata ko. Medyo malabo ang paningin ko but I feel like I know the person in front of me so I cupped her checks.

"Hey-"

"Ava..." I called her.

Hindi ito sumagot kaya unti-unti akong lumapit. I was about to kiss her when I suddenly felt something in my stomach. It rose rapidly at hindi ko na napigilan pa.

"Oh my gosh!"

That was the last thing I heard before everything went black.

...

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon