Chapter 35

143K 3.8K 3.2K
                                    

"Tamara? Ikaw na ba 'yan? Naku ikaw nga!"

Napangiti ako sa reaksyon ni Nanay Fatima na saktong kabababa lang ng hagdanan pagpasok namin at nagmamadali akong nilapitan. She's the caretaker of our house here in Hacienda Alcantara.

"Nanay Fatima! Kumusta po?" I asked after she gave me a quick hug.

"Naku naman bakit hindi ka nagsabing pupunta ka rito at may kasama ka pa pala." Aniya saka binalingan si Miss Andrade sa gilid ko.

"Actually she's my—"

"Hello po. I'm Ava, Tamara's friend." Putol sa 'kin ni Miss Andrade. I was about to introduce her as my professor kaya medyo nagulat ako sa sinabi niya.

"Aba at napakaganda ring bata. Nanay Fatima na lang din ang itawag mo sa akin, hija. Tamara, kayong dalawa lang ba? Si Venice?"

"Opo, 'nay. Namimiss ko na po kasi kayo at ang hacienda kaya naisipan ko pong dumalaw. Hindi ko rin po alam kung saan balak magbakasyon ni Ate Aia kaya hindi po nakasama."

"Ganoon ba? Kumain na ba kayong dalawa? Sandali at tatawagin ko si Ben para kunin ang mga gamit ninyo."

"Dumaan po kami kina Tita Beth kanina 'nay. Aakyat na lang po muna kami." Sagot ko saka binalingan si Miss Andrade. "Do you want something, ma—aw."

Napadaing ako dahil sa pagdiin ng kuko niya sa braso ko at pinandilatan pa ako ng magaganda niyang mata. She giving me a warning look at doon ko lang na-realize kung bakit. E kasi naman nasanay na akong tinatawag siyang ma'am or Miss Andrade e.

"Let's go upstairs." Sabi niya lang at hinila na ako paakyat.

"Mamaya na lang po ulit, 'nay." Paalam ko kay Nanay Fatima bago kami tuluyang umakyat.

Dumiretso kami sa pinakadulong kwarto katabi ng akin. This is the only guest room in this floor and the others ay nasa baba na.

"You can use this room. Ito lang sa tabi ang kwarto ko so if you need anything, tawagin mo lang ako." I said after I unlocked the door.

Hindi siya sumagot at diretso lang na pumasok sa loob. Hindi ko naman namalayang sinundan ko pala siya hanggang sa umupo ito sa gilid ng kama.

"This room is huge." She finally spoke.

Kita ko ang lungkot sa mga mata niya habang nakatingin sa malaking bintana. Napabuntong hininga ako. I need to do something para mabawasan ang bigat na dinadala niya.

"Do you know how to ride a horse?"

As expected ay nakuha ko ang atensyon niya. Nakakunot na rin ang noo niya na halatang curious sa tanong ko.

"We'll go to Casa Royale later. We have plenty of horses there so I'm asking if you know how to ride them." Pigil ang ngiting sambit ko habang pinapanood ang reaksyon niya. I think she doesn't know how to.

"I... don't think so." Sagot niya sabay iwas ng tingin. Tuluyan namang gumuhit ang ngiti ko.

"Alright, I'll teach you then."

...

"Oh my!"

Hindi ko na napigilang matawa sa reaksyon ni Miss Andrade ng ilapit ko sa kanya si Hades, our black stallion.

Nandito na kami ngayon sa tapat ng Casa Royale at saktong naabutan naming kalalabas lang ni Kuya Nestor kay Hades.

"Don't be scared. He's harmless, ma'am."

"Alcantara." Biglang nawala ang takot sa mukha niya at masama na ang tingin sa akin ngayon.

Oh goodness. Kailangan ko na talagang sanayin ang sarili kong hindi siya tinatawag na ma'am.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon