Chapter 32

144K 3.7K 7.4K
                                    

"Ito na lang ba? Ako na lang magdadala sa storage nito." I offered at tumango naman si Jem bilang pagsang-ayon.

Binuhat ko na ang maliit na box saka ako naglakad patungo sa storage room na nasa likod lang naman ng MWC office.

Naglinis lang naman kami sa office at nagbawas na rin ng mga gamit na pwede ng itago. Nasa office din kasi nakatambak 'yong ilang materials na ginamit namin sa org day lang time so we've decided to clean up.

Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko pero ayoko pa namang umuwi kaya pinilit ko na lang tumulong.

Bukas ang storage room ng pumasok ako at dahil may bitbit akong box ay sinipa ko na lang ang pintuan para sumara. I think someone's inside so dahan-dahan akong naglakad until I saw a familiar figure which made me stop from walking.

She turned to face me and my heart almost dropped as well as the box I'm carrying when her gorgeous eyes locked on mine.

I cleared my throat at ako na rin ang unang umiwas. I suddenly felt uneasy dahil halos isang linggo na rin ang nakalipas noong huli kaming mag-usap sa parking lot. Hindi rin kami nag-uusap kahit sa classroom and I don't participate in class unless she'll call my name to answer.

Tahimik akong lumapit sa isang shelf na wala pa halos laman at doon ko inilapag ang dala kong box. Ramdam na ramdam ko rin ang tingin niya sa likod ko kaya lalo pang tumindi ang pagwawala ng puso ko and now I'm torn between leaving this room asap and taking my time so I can be with her but no, I must choose the first one.

Bumuntong hininga muna ako saka lakas loob na naglakad pabalik sa pintuan kaso pagpihit ko ng doorknob ay ayaw namang magbukas!

"What the..." I spoke under my breath, still trying to open the goddamn door like an idiot kahit nagsi-sink in na sa 'kin na sa labas lang ito mabubuksan. Bakit ba kasi sinara ko pa 'to kanina?

"Don't waste your energy on that thing." Her cold voice echoed but I tried my best not to mind her.

Kailangan kong panindigan ang sinimulan kong hindi pagpansin sa kanya simula ng pumasok ako rito at isa pa, nakakapagtakang parang hindi siya kinakabahang nakulong kami rito sa storage room samantalang ako halos mag-freak out na rito.

I suddenly remembered my phone kaya dali-dali ko itong kinapa sa pocket ko but it only made me more nervous 'cause I can't find it. Iniwan ko rin ata sa lambo ko together with my bag bago ako pumunta sa office kanina.

Inis akong napasandal sa pintuan, feeling completely fucked up and frustrated. Idagdag niyo pa ang kasama ko na hindi ko maintindihan kung bakit kalmadong-kalmado pa rin sa ganitong sitwasyon.

Seryoso ba talagang okay lang sa kanya na makulong kami rito?

"You really hate me now." She stated.

Hindi pa rin ako sumagot. I want her to feel that I'm getting over her.

"We're still inside the school and I'm your professor so don't be impudent."

Mabigat ang loob ko siyang binalingan. Kaya iniiwasan kong tingnan siya ay dahil nagwawala pa rin ang puso ko sa tuwing nakikita ko ang mukha niya and I don't know what to do to calm it down.

"Sorry, ma'am." Seryosong sabi ko saka muling nag-iwas ng tingin. "Do you have your phone with you?"

"My phone's dead." Mataray na sagot niya. Narinig ko rin ang pagdabog nito kaya ibinalik ko ang tingin sa kanya.

She's now sitting on the monoblock chair, frowning. Her well toned legs were crossed too and I can't help but to gulp dahil medyo tumaas ang suot niyang black skirt.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon