Chapter 19

120K 4.1K 6.7K
                                    

Habang hinihintay kong maluto ang bacon ay sandali kong nilingon si Miss Andrade. Kanina pa siya tahimik at nanonood lang ng TV sa living room kaya iniisip ko kung naaalala niya ba ang nangyari kagabi.

Hindi naman siya nagulat ng makita ako rito sa kitchen kanina pero hindi rin ako pinansin ng batiin ko siya ng good morning.

"Miss Andrade." Tawag ko ng matapos kong ihanda ang mga pagkain sa table. Kunot-noo siyang lumingon sa akin pero wala pa ring imik. "Kain na po."

Inirapan niya ako bago tumayo at bigla namang tumunog ang doorbell na lalong nagpakunot sa noo niya.

I watched her fix her robe before she walked towards the door.

"Good morning!"

Humigpit ang hawak ko sa wooden spatula nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. What the hell.

"What are you doing here?" Dinig ko namang tanong ni Miss Andrade.

Oh my gosh. Hindi ko alam kung magtatago ba ako or what pero huli na ang lahat dahil nakapasok na si Sab at nagkatinginan kami.

"Oh." She said in shock.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya dahil hindi ko alam ang sasabihin.

"I was drunk last night and thankfully she drive me home."

Napatingin ako kay Miss Andrade na siyang nagsalita.

"Kaya pala no'ng tinatanong ko si Alex hindi ka raw umuwi kagabi so dito ako pumunta."

Nawala ang atensyon ko sa dalawa ng maamoy ko ang niluluto kong bacon kaya natataranta kong pinatay ang stove. Oh my gosh talaga!

"You're cooking breakfast? Good timing pala dating ko."

Lumingon ulit ako kay Sab na naglalakad na ngayon patungo sa kitchen. Bakit ako lang ata ang kinakabahan at nakakaramdam ng awkwardness dito?

"Umupo ka na." Si Miss Andrade na nasa tabi ko na pala at kinuha naman ang hawak ko.

"Uhm mauuna na po siguro ako, ma'am."

Bumalik ang tingin niya sa 'kin at base sa expression ng mukha niya ay parang hindi nagustohan ang sinabi ko.

"No. You eat first." Final na sagot niya kaya wala na akong nagawa kundi ang umupo sa tabi ni Sab.

Pagkatapos maghain ni Miss Andrade ay umupo naman siya sa tapat namin. Tahimik pa rin akong naglagay ng pagkain sa plato hanggang sa magsalita na naman ang katabi ko.

"What's that?"

Binalingan ko si Sab pero kay Miss Andrade siya nakatingin.

"Huh?" Takang tanong ng katapat namin. Kahit ako ay hindi ko rin na-gets ang tinutukoy niya.

"That red mark on your neck. Is that-"

Bilang tumayo si Miss Andrade at nagmamadaling lumabas ng kitchen. Oh gosh. Hindi ko 'yon alam!

Pagkatapos naming maiwan ni Sab ay hinarap naman ako nito at pinaningkitan ng mga mata. Ine-expect kong galit siya pero hindi iyon ang nakikita ko. Mukha lang siyang curious at naghihinala na hindi ko na talaga ma-gets kung bakit.

"Did something happen between you and my sister last night?"

Umawang ang bibig ko pagkatapos niyang magsalita. Akala ko ay tapos na 'kong magulat sa pagdating niya kanina pero may mas ikagugulat pa pala ako. What the hell? Tama ba 'yong narinig ko?

"S-Sister?" Hindi makapaniwala kong tanong. Gosh. Magkapatid talaga sila?!

Sab rested her back on the chair while laughing. Nakatulala pa rin naman ako sa kanya dahil hanggang ngayon ay parang nagha-hang ang utak ko.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon