Chapter 5

114K 3.7K 5.1K
                                    

"Hoy, Tam."

Napakurap ako dahil sa pagtabig ni Brie sa balikat ko.

"Kanina ka pa tulala. Anyare sa'yo?" Tanong niya pa ng balingan ko.

Monday na ngayon and buong weekend ay hindi ako pinatahimik ng utak ko kakaisip kay Miss Andrade.

"Hoy tulala ka na naman."

Napatingin ulit ako kay Brie. Hindi ko namalayang natulala na naman pala ako at si Miss Andrade pa rin ang dahilan.

"Tinatamad lang ako." Sagot ko saka sumandal sa upuan.

Bumukas naman ang pintuan kaya natahimik ang lahat lalo na ng pumasok ang babaeng hindi nawala sa isip ko.

Una kong napansin ang paa niyang flats ang suot ngayon. She's also wearing a black slim fit dress pants and her maroon blouse is hugging her body well, showing her beautiful curves. Ang buhok niya naman ay nakatali in a low ponytail and she really looks so good-no, exquisite.

Nakagat ko nang madiin ang labi ko nang ma-realize ko kung anong pinagiisip ko. Am I really praising her that much? Oh gosh, Tamara.

"Dude, shit. Sobrang ganda talaga ni ma'am."

"Oo, tangina. Para kang nanalo sa loto kapag naging girlfriend mo siya. Single pa kaya si ma'am?"

"Ang sarap niya, dude."

Doon na parang nagpanting ang tenga ko kaya mabilis akong lumingon sa mga kaklase kong ugok sa likuran.

Napatingin din sila sa akin at parang mga natuwa pa na tinitingnan ko dahil nagpa-cute pa ang mga gago.

"Shut your dirty mouths, will you?" Inis na usal ko habang pinanlilisikan sila ng mga mata.

"Alcantara."

Napairap ako bago humarap sa board. Bakit ako pa ang tinawag e hindi naman ako ang bumabastos sa kanya?

Nagtama ang tingin namin ni Miss Andrade. She's giving me a warning look kaya humalukipkip na lang ako at nag-iwas ng tingin. Nakakainis!

Buong period tuloy ay wala ako sa mood. Nakatingin lang ako sa bintana habang nagdi-discuss siya at ngayong matatapos na ang oras ay isa pa lang ang nasasagutan ko sa ten items na seatwork.

"Pass your papers." Maya-maya ay anunsyo niya.

Inabot ko agad ang papel ko kay Brie at sinimulang ayusin ang mga gamit ko.

"Hoy, Tam. Hindi ka pa tapos." Ibinalik ni Brie sa ibabaw ng desk ko ang papel. Umiling ako.

"Pasa mo na 'yan."

Mabuti naman at hindi na siya namilit pa. Kilala niya na talaga ako kapag wala sa mood.

"Stay, Alcantara."

I let out a low grunt at muling umupo. Lalabas na 'ko e. Ano na naman ba?

"Hintayin na lang kita sa cafeteria." Bulong ni Brie bago nagmamadaling lumabas ng room.

Nang maiwan kaming dalawa ni Miss Andrade ay doon lang siya nagsalita ulit.

"Come here." She said in her usual monotone voice.

Bumuga ako ng hangin bago tumayo. Ibinaba ko rin muna ang backpack ko na nakasukbit na sa isa kong balikat kanina pa.

Seryoso niya akong tiningnan pagkatapos ilapag sa harap ko ang pinasa kong papel. "What's this?"

"My seatwork, ma'am." Sagot ko.

Tiningnan niya ako nang masama pero hindi ako nagpaapekto. Buti nga hindi paper ang isinagot ko e.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon