Chapter 30

144K 4K 5.5K
                                    

Pagkarating ko pa lang sa pool area ay si Miss Andrade agad ang nakita ko sa isang table kasama si Saf na masayang nakikipag-usap sa iba.

Mabagal akong naglakad palapit hanggang sa mapatingin sa 'kin si Saf. She immediately stood up and walked towards me.

"Tam, baby!" Excited na tawag niya sabay yakap sa akin nang mahigpit. Hinalikan niya rin ako sa pisngi na sinuklian ko naman ng ngiti saka ko inabot ang dala kong regalo.

"Happy birthday, gorgeous." I greeted her smiling.

Lalong lumawak ang ngiti niya pagkatapos tanggapin ang binigay ko and she even stole another kiss on my cheek. Natawa na lang ako.

Sa loob ng isang linggong halos araw-araw niya akong bulabugin ay nasanay na rin ako sa clinginess niya. She have all the qualities na magugustohan mo sa isang tao kaya madali rin kaming nagkasundo.

"Oh my! Thank you, babe! But you don't have to buy me a gift. Your presence tonight is more than enough." She pouted after taking a peek of what's inside the bag.

I bought her the limited edition Cartier Crash 3618 women's wristwatch. Napansin ko kasing mahilig siya sa mga watch.

"Come, sit with us. Gusto mo na bang kumain?"

Umiling lang ako at hinayaan siyang tangayin ako paupo sa tabi niya. Binati ko rin sina Miss Chantel at ang iba pang kasama namin sa table hanggang sa mapunta ang atensyon ko sa babaeng kanina pa tahimik at halatang wala sa mood. Salubong na salubong na naman ang mga kilay samantalang kanina nakikita ko pa siyang ngumingiti.

"Good evening, ma'am." Bati ko pero parang wala siyang narinig at inikutan lang ako ng mga mata.

After no'ng nangyari sa parking lot ay pareho na naming iniwasan ang isa't-isa. Sa klase na lang talaga kami nagkakaro'n ng interaction na minsan ay halos ayaw niya pa akong tawagin pero napipilitan din kapag wala ng makasagot sa tanong niya.

Inilibot ko na lang ang tingin sa paligid to divert my attention. Buong akala ko ay simpleng pool party lang ang meron ngayon so I wore a plain white tank top and denim shorts. Wala rin kasi akong balak mag-swimming pero nag-suot pa rin ako ng two piece sa ilalim just in case.

"Stay here. I'll get you some food-"

"No, ako na. You stay here." Pigil ko kay Saf.

Tumayo na 'ko agad para hindi na siya mamilit pa at malapit lang din naman 'yong buffet.

"Hey, Tam!"

Nagulat ako sa biglang paghablot sa 'kin ni Hailey kaya natangay ako nito agad palayo sa mga pagkain. She is Saf's bestfriend. Nakilala ko siya dati no'ng sinamahan kong mag-shopping ang bestfriend niya.

"Uhm yeah? What's happening?" Takang tanong ko habang siya naman ay may sinisilip sa kung saan.

"Oh thanks God, hindi niya ko nakitang hinablot ka." She chuckles and fixed her long black hair. "Uhm pwedeng favor? Please? This is for Saf naman."

"What is it?" I asked.

"Can you serenade Saf? Please? Ito lang kasi 'yong greatest gift na naisip ko para sa babaeng 'yon. Please, Tam? Kahit isang song lang."

Sandali akong natahimik habang tinitingnan ang nagmamakaawa niyang mata.

"Fine." Buntong hininga ko. Bakit ba palagi na lang akong pinapakanta ng mga tao?

"Yes! Thank you so much! You're the best talaga, Tamara." She hugged me tight at napangiti na lang ako ng pilit. "So tell me, what do you need? Kailangan mo ba ng instruments or music lang?"

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon