Chapter 43

156K 4K 6.6K
                                    

"So ayon nga, next week na ang foundation week natin and ang org natin ang in charge sa last day for the closing event." Paliwanag ni Jem.

We're currently having a meeting kaya pinapunta niya kaming members dito sa office at ngayon ko lang din naalala na foundation week na nga pala sa susunod na week.

"Ang naisip ko, maybe we can invite a band to have a guerilla concert at the Callister's quadrangle. I think that would be so cool and fun. What do you think guys? I'm still open naman for other suggestions." Dagdag pa niya.

"I think that's a brilliant idea, pres. Let's invite the 55th Avenue." Sagot naman ni Sab at medyo nag-ingay ang lahat dahil sa excitement.

"Bet ko 'yan! Tamang-tama kilala ni Tam si Spade." Gatong pa ni Brielle sabay turo sa 'kin. Sinasabi ko na nga ba.

"Waah! Seryoso, Tam? So pwede mo ba silang ma-invite dito next week?" Tuwang-tuwang sabi ni Jem at pagtingin ko sa iba ay gano'n din ang reaksyon.

"Alright." Tanging nasabi ko dahil wala naman na akong choice. "I just hope na free sila next week."

"Yes! Thank you, Tam-Tam! Swerte talaga namin sa 'yo."

Nakangiti kong tinanguan si Jem at sure akong fan siya ng band ni Spade kaya ganyan na lang siya katuwa.

"So what is this all about?"

Lahat kami ay napatingin sa pintuan at doon nakatayo si Ava na mukhang kakarating lang.

"We're talking about the upcoming foundation week, ma'am. We will invite the 55th avenue for the closing event. Sakto po kilala ni Tam-Tam 'yong vocalist." Jem answered.

"Okay, so are you going to use the gym?"

The gorgeous professor looked at me and my lips automatically formed into smirk. Bigla kong naalala ang nangyari kanina sa vacant room at may klase pa lang gagamit no'n kaya may estudyante na kumatok sa labas.

"No, ma'am. I think it's better to use the quadrangle. We will set up an outdoor stage there."

Pagkatapos sumagot ni Jem ay nagsimula ng maglakad si Ava palapit. Doon ko lang napansin na nagpalit pala ito ng black slim-fit pants kaya hindi ko na naman napigilan ang ngiti ko.

"Alright. Please prepare a request letter for the use of quadrangle and I'll help you endorse it for approval. Any further concerns?" Sumulyap muna ito sa 'kin bago umupo sa harap.

Nakatali na rin ang buhok niya ngayon, exposing her neck na gustong-gusto kong panggigilan kanina pa.

"Miss Andrade." Bigla namang tawag ng katabi kong si Brie.

"Yes?"

Tiningnan ko si Brie na ngumisi pa sa 'kin bago muling tumingin kay Ava. "Is it true po ba?"

Ewan ko kung bakit biglang pumasok sa isip ko na ang itatanong niya ay kung totoo ngang may relasyon kaming dalawa kaya bigla ko tuloy nasipa ang paa niya sa ilalim ng table.

Ava raised her brows. "What is it, Almonte?"

"Sabi kasi ni Tam..." Tumingin siya ulit sa 'kin kaya pinandilatan ko ito ng mga mata. Talaga bang— "Kung wala daw po ba tayong klase next week since foundation week po."

"Yes, us professors will just give you hand outs for you to review your lessons." Ava answered then turned her gaze on me. "Do you have more questions, Alcantara?"

"None, ma'am." I answered and forced a smile. Brielle will pay for this later. 

===

It's the 51st foundation day of Callister University kaya sobrang daming tao ngayon maliban sa students 'cause everyone are welcome to celebrate with us.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon