Chapter 1

190K 4K 7.5K
                                    

That's our Tamara Kienn Alcantara's photo above.

=====

"Hey, slowpoke! Male-late na tayo!"

Yeah, right. Ate Aia is always like that. Ayaw na ayaw ma-late kahit napaka-aga pa lang naman. Ayoko rin namang ma-late 'no and hindi ako slowpoke. Sadyang palagi lang siyang nagmamadali.

Lihim akong umirap habang itinatali ang sintas ng suot kong white Dolce & Gabbana sneakers.

"Girls, you forgot your lunch."

Nag-angat ako ng tingin at una kong nakita si Mommy Tami na may bitbit na dalawang lunch bag. Nasa likod niya si Mommy Ven na mukhang inaantok pa.

"Thanks, mommy." Sabi ni Ate Aia pagkatapos kuhanin ang dala ni mommy.

"Drive safely huh."

"Yes, mom. Si Tam-Tam lang naman ang hindi nag-iingat."

Kunot noo akong umayos ng tayo at tiningnan ko nang masama si Ate Aia. Lagi na lang niya akong pinapalabas na masama!

"Tamara, 'wag kang gagaya sa Mommy Tami mo na kaskasera." Si Mommy Ven na nagsalita na at siya naman ang sinamaan ng tingin ni Mommy Tami.

"Oh, bakit? Totoo naman ah." Sabi pa ni Mommy Ven habang tumatawa kaya natawa na rin kami.

I really love my mommies. Alam ko kasing they love each other so much at minsan ay naku-kwento pa ni Tita Clarisse sa amin kung anong pinagdaan nilang dalawa just to be together. Sabi pa nila ay parang carbon copy ako ni Mommy Tami while si Ate Aia naman ay kay Mommy Ven.

"Go na, girls. Baka ma-late pa kayo." Baling sa amin ni Mommy Ven.

"Bye, mommies. See you later. Love you both!" I kissed them on the cheeks. Ganoon din ang ginawa ni Ate Aia bago kami tuluyang lumabas ng bahay.

I got inside my black Lamborghini Centenario and si Ate Aia naman ay sa red Ferrari 488 niya. Pinauna ko siyang umalis kasunod ako hanggang sa makarating kami sa parking lot ng school.

"Dito na 'ko. Behave, Tamara." Paalala ni Ate Aia paglabas ko ng sasakyan.

"I'm always behave kaya!" Nakasimangot na sagot ko. Lagi na lang niyang iniisip na may gagawin akong kalokohan e ang bait-bait ko naman.

"Whatever." She waved her hand at tuluyan ng umalis. Magkaiba naman kasi kami ng way at building kaya hindi na kami magsasabay.

"Tamara?"

Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. I saw Miss Amanda na papalapit sa akin habang nakasukbit sa braso nito ang bag.

"Good morning, ma'am!" Masiglang bati ko at nagpaskil nang matamis na ngiti.

Favorite ko siyang professor dahil naging instructor ko siya last sem. She's really nice and sobrang galing din magturo.

"Good morning." Nakangiti ring sagot niya. "Nag-breakfast ka na?"

"Yes po. Kayo, ma'am?" Balik tanong ko.

"Not yet, maybe later. May tatapusin pa kasi ako."

Hinintay ko siyang makarating sa tabi ko bago ako nagsimulang maglakad para masabayan siya.

"Ang workaholic niyo pa rin. I'll buy breakfast na lang po for you. Ihahatid ko sa faculty."

Her brown eyes grew wide. "Are you sure? You don't need to do that, Tam. Okay lang naman ako."

"I insist, Miss Mandy. Dito na po ako. Bibili ako saglit sa cafeteria." Nakangiting paalam ko.

Wala na siyang nagawa kundi ang tumango dahil nagmadali na akong maglakad patungo sa cafeteria. Maaga pa naman kaya may oras pa akong bumili at magpunta sa faculty.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon