Chapter 45

135K 3.7K 3.8K
                                    

A/N: Itodo na natin ang sakit! Masaktan na tayong lahat! Pagod na rin akong masaktan sa dalawang 'to at simula kanina naka-repeat lang sa Spotify ko 'tong Talking To The Moon ni Bruno Mars para torture. O 'di ba? Hahaha. Yoko naaaa. 😂😭😭😭

So I've changed to Reckless na song ng mommy ni Tam na si Ven 'yong multimedia para mas masaket hahaha.

===

Magdamag akong gising at iniisip kung anong nangyari at kung anong nagawa kong mali. Ilang ulit ko ring sinubukang tawagan si Ava pero naka-off na ang phone nito.

Nang mahimasmasan ako sa yacht ay naisipan ko ring sundan si Ava pero pinigilan naman ako nina Brielle at sinabing hayaan ko na raw muna ito. Siguro ay magulo rin daw ang isip niya kaya niya 'yon nagawa at bigyan ko muna siya ng space.

"Tam-Tam? Are you awake? Male-late ka na sa school."

Napabuntong hininga ako nang marinig ko si Ate Aia kaya kahit nanlalambot ako ay pinilit kong tumayo mula sa gilid ng kama para mag-ayos.

Ayaw ko sanang pumasok ngayon pero naisip kong baka nasa school si Ava at pwede ko na siyang makausap.

"What happened to you, honey? Are you sick?" Nag-aalalang tanong ni Mommy Tami pagbaba ko sa dining area. Hinawakan agad nito ang noo ko pero mabilis akong nag-iwas ng tingin habang umiiling.

"I'm alright, mom. Don't worry." Ngumiti ako pero hindi ko alam kung pilit ba 'yon or what. "Sa school na lang din po ako kakain."

Lumapit ako kay Mommy Ven to kiss her cheek katulad ng ginawa ko kay Mommy Tami kanina. "I'm going na po. Male-late na rin po kasi ako."

Ramdam ko ang bahagyang panginginig ng mga tuhod ko habang naglalakad ako patungo sa parking kaya ilang sandali pa akong nagpahinga pagpasok as loob ng Lambo ko.

Hindi ko na talaga alam kung anong dapat isip dahil kahit anong halukay ko sa isip ko kung bakit nangyari 'yon kagabi ay wala akong makuhang sagot. Sobrang okay naman namin kaya bakit nagkagano'n?

Pumikit ako sandali para pakalmahin ang sarili dahil heto na naman ang matinding kirot sa dibdib ko. Magdamag akong gising at hindi rin nawala ang sakit sa dibdib ko pero kahit gano'n ay hindi ko pa rin nagawang umiyak. Sobrang sakit ng nararamdaman ko pero kahit gustong-gusto kong umiyak ay walang luhang lumalabas sa mga mata ko.

"Tam!"

Nagulat ako kay Brie na biglang sumulpot pagdating ko sa parking lot ng Callister.

"What are you doing here?"

"Inabangan talaga kita rito kasi nag-aalala ako sa 'yo simula kagabi. Akala ko nga hindi ka papasok ngayon pero nakita ko si Ate Aia kanina sabi niya papasok ka raw."

"I need to talk to Ava, Brie."

Kita ko rin ang lungkot sa mga mata niya nang sandali niya pa akong titigan bago bumuntong hininga. "Okay."

...

Parang bibigay na ang mga mata ko habang nakikinig sa klase pero mabuti na lang at natiis ko pa hanggang sa mag-lunch break.

Nagmamadali kong kinuha sa bulsa ang phone ko nang maramdaman kong nagva-vibrate ito hoping na si Ava ang tumatawag pero bigla akong nanlumo ng makita ang pangalan ni Saf.

Ayaw ko sanang sagutin ang tawag niya pero may nagtutulak sa 'king sagutin ito so ending ay ni-press ko rin ang answer button.

"Tam, can we talk?" Bungad agad nito na nagpakunot ng noo ko.

Sanay akong bubungaran niya ng baby o 'di kaya ay sobrang siglang bati ng kung anu-ano kaya nakakapagtakang seryoso ang boses nito ngayon.

"Uhmm Saf, kasi..." Nagdadalawang isip na sagot ko dahil balak ko sanang hanapin si Ava ngayong lunch break.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon