Chapter 3

130K 3.7K 2.2K
                                    

"You!"

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa malakas na boses ni Miss Andrade. Tumingin ako sa harapan kung saan siya nakatayo. Sa likod kasi ako dumaan para sana hindi niya ako mapansin dahil natagalan ako sa pagpapakalma sa restroom.

Our eyes met. Katulad kanina noong nabunggo ko siya ay nakakamatay na naman ang tingin niya.

"Do you know what time is it?"

Napayuko ako at hinanap ng mata ko si Brie na nakalingon na sa akin, halatang nag-aalala.

"Sorry ma'am, nakalimutan ko pong sabihin sa inyo na pumunta si Tamara sa clinic. Hindi po kasi maganda ang pakiramdam niya kanina." It's Brielle, trying to save me.

Nakita kong napunta ang tingin ni Miss Andrade sa kanya at tinaasan ito ng kilay.

"Really? She told me earlier that she's going to the restroom." Sagot ng huli.

Napapikit na lang ako at hindi ko na rin narinig na nagsalita pa si Brie. Now I know that she's a real friend pero hindi siya lulusot ngayon.

"You are automatically absent for coming 30 minutes late." Dinig kong sabi ulit ni Miss Andrade.

Hindi na lang ako umimik hanggang sa makarating ako sa upuan ko. Siya naman kaya may kasalanan kung bakit ako na-late.

"Gosh, Tam! Bakit ba kasi ngayon ka lang bumalik?" Bulong ni Brie.

Bumuntong hininga lang ako at pumangalumbaba sa desk. Kahit absent na ako sa klaseng 'to ay magse-stay pa rin ako. Baka kasi lalo akong maging bastos sa paningin ni Miss Andrade and gusto ko ring mag-apologize after class. Mali naman din kasi ang ginawa ko.

"Wrong!" Sigaw ni Miss Andrade pagkatapos mag-solve ng isa kong classmate sa board. Pang-lima niya na itong tinawag pero hindi pa rin nila makuha ang tamang sagot.

Nakapangalumbaba pa rin ako while tapping my fingers on top of my desk. Ang dali lang naman kasi no'ng problem pero hindi masagutan. May idinagdag lang naman si Miss Andrade sa equation na ikinalito nila.

Ang hirap kasi sa iba ay masyado lang nagbabase sa libro at sa kung ano mismo ang itinuro. They should know how to think outside the box.

"Anyone in this class who knows the correct answer?" Iritado ng tanong ni Miss Andrade pero halatang pinipigilan niya ang sarili na tuluyang magalit.

The whole class went silent. Mukhang walang gustong magtaas ng kamay kaya ako na lang ang gumawa.

"Yes? Are you going out again?" Baling niya sa akin.

My jaw clenched at umahon na naman ang inis sa dibdib ko. Huminga muna ako nang malalim bago sumagot to calm myself.

"No, ma'am. I wanna solve the problem on the board." Malumanay na sagot ko kahit nagngingitngit na 'ko sa loob.

Sandali niya pa akong tiningnan hanggang sa ilapag niya ang white board marker sa ibabaw ng table. I took that as a go signal kaya tumayo ako at sinimulang i-solve ang equation.

Nang matapos ako ay ibinalik ko sa ibabaw ng table ang marker saka ko tiningnan si Miss Andrade. Seryoso lang siyang nakatingin sa board habang nakahalukipkip.

"Is it correct, ma'am?" Tanong ko.

Ang tagal niya kasi tumingin sa board e kanina isang tingin niya lang alam niya na kung tama o mali.

"Yes. Take your seat." Sagot nito.

Mabigat ang loob kong bumalik sa upuan. Wala man lang good job. Ako na nga ang naka-solve ng problem.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon