Chapter 22

123K 3.9K 4K
                                    

Kanina pa ako rito sa parking lot at nagbabakasakaling maabutan ko si Miss Andrade. I wanna see and talk to her. Masyado kasi kaming naging abala sa event kanina kaya hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na makausap siya hanggang matapos ang program.

Buo na ang desisyon ko na kausapin ito tungkol sa mga nangyari noon na hindi nabigyan ng linaw hanggang ngayon. I don't wanna leave it just like that.

Napatayo ako nang ayos ng matanaw ko na itong naglalakad mula sa 'di kalayuan. Nakasampay na rin ang blazer niya sa braso nito habang ang isang kamay ay may hawak na bag.

Malakas akong tumikim para makuha ang atensyon niya at hindi naman ako nabigo.

She stopped from walking and faced me, arching her brow again. "Why are you still here?"

"Can we talk?" Balik tanong ko.

Sumulyap siya sa suot niyang wristwatch bago ako muling tiningnan. "Go on."

"Kung pwede sana hindi rito."

"I—ugh. Okay." Buntong hininga niya, mukhang nag-aalangan.

"Are you sure it's okay?"

She nodded. "Hindi lang ako pwedeng magtagal."

"May date kayo?" Iyon kasi agad ang naisip ko.

Sana mali ako pero dahil seryoso lang niya akong tiningnan at nakatikom ang bibig ay parang may dumagan sa dibdib ko.

"'Wag na lang pala." Bawi ko saka nag-iwas ng tingin. I knew it.

"Kienn."

Humigpit ang hawak ko sa door handle. Nakakainis lang dahil sa tuwing tinatawag niya ako niyan ay lumalambot talaga ang puso ko.

Buntong hininga ko siyang hinarap ulit. Nagugulohan na talaga ako. Napakalabo niya.

"You're aware about my feelings towards you, right?" Seryoso kong tanong.

Tiningnan niya lang ako ulit. Hindi ko alam kung may balak ba siyang magsalita kaya minabuti kong na lang na magpatuloy.

"Noong nalasing ka sa The Fortress at hinatid kita sa unit mo... naaalala mo ba?"

Doon na siya nag-iwas ng tingin. Napansin ko rin ang paglunok niya pero nanatili siyang tahimik.

"I like you, Miss Andrade. I really do. Tingin ko nga I'm starting to fall—"

"Don't."

Yup. She cut me off. Palagi naman.

Ibinalik niya ang tingin sa 'kin, seryoso na rin. Walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha pero kahit pigilan niya ay lumalabas naman ito sa mga mata niya.

"I'm your professor, Alcantara."

"I know." Mabilis na sagot ko.

"Alam mong hindi pwede ang nararamdaman mo."

Napangisi ako habang kinakagat ang sariling dila. "I know that too but I can't control myself lalo na 'tong puso ko."

Sobrang bilis na naman nga ng tibok. Halu-halo na rin ang nararamdaman ko pero mas nangingibabaw 'yong kirot. Para alam ko na kung saan hahantong ang usapang 'to.

"Maybe it's just an infatuation—"

"I'm sure about my feelings, Ava."

Nagkatitigan ulit kami dahil hindi na naman siya nagsalita. Halatang pinag-iisipan niya pang mabuti ang bawat gagawin at sasabihin.

"I'm sorry but I think I should not tolerate this." There she said it.

Alam ko ng ito ang mangyayari pero masakit pa rin pala talaga marinig mula sa kanya. Damn. Bakit ba kasi ang tanga ko?

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon