Special Chapter: Two

132K 3.6K 4K
                                    

"I want a divorce."

Napahampas ako sa dibdib ko dahil bigla akong nabulunan sa narinig.

Pagpasok na pagpasok pa lang kasi sa kitchen ng maganda kong asawa ay iyon na agad ang bungad niya.

Nagmamadali akong kumuha ng tubig at nilagok muna ang laman no'n saka ko siya nilapitan.

"Good morning, baby. What do you want for breakfast?" Ngiting-ngiting tanong ko pero bago ko pa siya mayakap ay itinaas niya na ang isa niyang kamay para pigilan akong lumapit.

"I said I want a divorce." Mataray pa ring sabi niya saka nag-iwas ng tingin.

"My baby's not in the mood huh. Do you have cravings again? Hmm? Tell me. I'll buy you anything you want." Dahan-dahan akong lumapit at sa wakas ay hinayaan niya na akong yakapin siya.

I hugged her tight and planted a soft kiss on her head. "What's the matter, baby?"

Narinig ko siyang mahinang bumuntong hininga bago sumagot.

"I look ugly now. There are lots of women out there who are more beautiful than me and you might--"

"Hush, love. Don't say that." Putol ko agad sa kanya saka ko siya dahan-dahang binitawan upang tingnan sa mga mata.

Ngumiti ako sandali saka pinunasan ang gilid ng kanyang mata dahil umiiyak na naman siya. Such a gorgeous crybaby.

"Don't ever think that you look ugly now, baby. In fact you're getting more beautiful day by day--"

"You're lying." Putol niya naman sa 'kin at inirapan pa 'ko.

Pinigilan kong matawa 'cause she's too cute at huminga muna ako nang malalim saka ko marahang hinaplos ang buhok niya.

"You know I never lied to you and I will never get tired of telling you everyday how beautiful you are." I paused to kiss her forehead. She's still crying silently kaya panay rin ang pagpunas ko sa pisngi niya. "Ikaw ang pinakamaganda and I will keep on reminding you that no one can defeat Ava Calista Andrade-Alcantara's supremacy."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay tuluyan na siyang yumakap sa 'kin. Niyakap niya 'ko nang mahigpit and I let her do that until she finally calms down.

"I'm sorry." Mahinang sabi niya habang nakasiksik sa neck ko.

Hay. My wife is so cute.

"It's fine, baby. Do you feel better now?" I asked while caressing her back.

Sanay na ako sa ganitong mood swings niya and I'm well prepared for this kaya alam na alam ko na rin kung paano siya iha-handle.

"Yes. I love you." She answered.

Bumilis ang tibok ng puso ko at nagkagulo na naman ang mga paru-paro sa loob ng tiyan ko dahil sa narinig. Ganito pa rin talaga ang epekto niya sa 'kin at sa tuwing sinasabi niya ang tatlong salitang 'yon. Damn it. Nakakakilig pa rin talaga.

"I love you too, baby. Come. What do you want for breakfast?" Malambing na tanong ko habang inaalalayan siya patungo sa stool na nasa harap ng kitchen counter.

Nag-prepare lang kasi ako ng sandwich para sa sarili ko dahil ayaw ko siyang gisingin para magluto. Balak ko rin kasi sanang pumasok nang maaga sa office ngayon.

"I want nuggets and fries." She pouted her gorgeous lips after sitting on my lap and wrapping her arms around my neck.

"Is that healthy for the both of you?" Kunot-noong tanong ko pagkatapos tumingin sa tiyan niya.

Bigla na namang sumama ang timpla nito at akmang tatayo na mula sa pagkaka-upo sa lap ko kaya mabilis ko itong pinigilan.

"Fine. I'll let you eat those just for today. Magpapa-deliver na lang ako 'cause I need to go to work early. I have an important meeting with our new investor." I said defeated habang hinahaplos ang waist niya.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon