Chapter 34

154K 4.1K 3.8K
                                    

Huminga ako nang malalim pagkatapos pakiramdaman si Miss Andrade na nakasandal sa balikat ko. Tahimik na siya ngayon at sa tingin ko ay nakatulog na pagkatapos umiyak nang umiyak kanina.

Bumalik na naman sa isip ko kung paano siya umiyak kanina and it was really painful seeing her cry like that. Hindi man siya nagsalita ay alam kong sobrang nasasaktan siya based on how she sobbed and gripped my shirt.

I know she's going through alot and all I can do for her is to lend my shoulders and make her feel that she's not alone.

Dahan-dahan akong gumalaw para sana ayusin ito at ihiga nang komportable sa sofa pero halos atakihin ako sa puso nang bigla naman itong magsalita.

"I have a student. A really really stubborn student."

Hindi ko na tinuloy ang balak ko at hinayaan ko na lang siyang magsalita. Hindi na rin kasi bumalik sa normal ang pagtibok ng puso ko kaya para na akong tuod na nanigas dito sa kinauupuan ko.

"I hate her since day one 'cause she is sooooo annoying and she can make you feel uncomfortable just by looking at you with those pair of gorgeous blue eyes. Psh." Her voice was a bit raspy and I she's still drunk, obviously.

Napapailing na lang ako habang pinipigilan ang pagngiti because of her cuteness. Nakakatuwa rin talaga 'to kapag lasing e. So she find them gorgeous pala huh.

"I hate her for being always concerned about me. That selfless stubborn kid... tch. I hate her. I really hate her for breaking my walls that easy and making me feel things I've never felt before." She continued and because of what I've heard ay hindi na talaga ako nakapagsalita pa.

Sunod ko siyang na ramdaman na lumayo mula sa pagkakasandal sa balikat ko kaya nagawa ko na itong balingan and to my surprise... saktong nakatingin na pala siya sa 'kin that caused me to have a mini heart attack.

"Oh. It's the most stubborn student of Callister University, Tamara Kienn Madrigal Alcantara." Nangingiting sabi niya sabay pisil sa kanang pisngi ko na nagpangiwi naman sa 'kin.

I was about to speak pero bigla naman ako nitong niyakap na tuluyang nagpatahimik sa akin. Para na akong mabibingi sa lakas ng pagkabog ng dibdib ko but thanks to her warmth at unti-unti rin akong napapakalma.

"I'm sorry... I'm so sorry, Kienn."

Nagsimula na namang manginig ang mga balikat niya at namalayan ko na lang ang sarili na hinahaplos ang kanyang likod. Para na namang pinipiga ang puso but I'm trying to holdback my tears as long as I can.

"I didn't mean to hurt you. I'm really sorry... I just don't want you to get involved in this fucked up life 'cause I've been living in hell since forever and I know what name you have. You're an Alcantara. You shouldn't get involved with a good for nothing professor-"

"Ava... Please don't say that." I cut her off.

Hindi na kasi tinatanggap ng sistema ko ang mga sinasabi niya. Kulang na nga lang makipagsabunutan ako sa cafeteria kanina tapos ngayon she's also looking down on herself? She should know how precious she is at mali ang mga iniisip niya! Gosh!

"No. I think they're right. I'm such a great user-"

"Ava!" Putol ko sa kanya ulit.

Humigpit ang yakap niya sa 'kin at ang namumuong inis sa dibdib ko ay biglang nawala nang marinig ko mahihina niyang hikbi.

Damn it. I'm really not good at comforting someone kaya hindi ko alam kung anong sasabihin ko para mapagaan ang nararamdaman niya. Goodness, Tamara. Kahit kailan ka talaga!

"I never wish to be part of that family because of their wealth... I don't need their money." She sobs. "All I want is to be accepted in the family but who will accept an illegitimate child?"

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon