Chapter 27

128K 3.9K 7.7K
                                    

"Ava, can you please open the door? Thanks!" Miss Mandy said after nitong sumilip mula sa balcony dahil tumunog ang doorbell.

Nilingon ko naman si Miss Andrade na naglalakad na patungo sa pintuan. Curios lang ako kung sino ang dumating. Sure kasi akong hindi iyon delivery dahil bumili na kami sa labas kanina.

Bigla akong napakapit nang mahigpit sa hawak kong tray pagbukas ng pintuan. Ang taong never kong naisip na darating ay nakatayo ngayon at ngiting-ngiti pa. Anong ginagawa niyan dito?

"Hi." Sandro greeted. He's holding a bouquet of roses and a box on his other hand.

"Tam, let's go." Dinig kong sabi ni Sab pero hindi ako makagalaw. Nanatili ang tingin ko sa dalawa habang sa makaramdam ako ng kirot ng lumapit ito at hinalikan sa noo si Miss Andrade. "Congratulations, love."

Wait. What did he call her? Please tell me nagkamali lang ako ng dinig.

"Tam." Tawag ulit ni Sab and this time ay hinila niya na ako sa braso. "'Wag mo ng tingnan. Your hands are shaking na oh. My gosh! Akin na nga 'yan."

She snatched the tray from my hand and after a moment, I found myself standing in the balcony.

"Si Sandro na ba 'yong dumating?" Dinig kong tanong ni Miss Mandy kay Sab, mukhang kinikilig.

Hindi ko alam kung anong isinagot ni Sab dahil naglakad na ako palapit sa railings. I tried to stare at the city lights to erase the image of that Sandro kissing Miss Andrade's forehead but it didn't work. Damn it.

"I already told you about that, right?"

Hindi ko sana papansinin si Sab pero nakuha niya pa rin ang atensyon ko ng may idikit itong malamig na bagay sa kamay ko, a canned beer.

"Uy! Si fafa Sandro pala ang dumating."

Napatingin ako kina Miss Iryn pagkatapos kong kunin ang canned beer kay Sab. Binuksan niya ang dalang box ni Sandro saka inilabas ang cake na laman nito. It's a strawberry cake na may nakatusok na "Congratulations" sa gitna.

"Napaka-sweet naman... pero ang tanong, kayo na ba?"

My jaw clenched. Halos mayupi ko rin ang hawak kong can dahil sa halu-halong emosyon. Huwag lang talaga siyang magkakamali ng isasagot.

"Actually, kakasagot niya lang sa 'kin last Sunday." Sandro answered while rubbing his nape.

A strong wave of pain strikes me and it feels like I was stabbed directly in the chest. Fuck. Ang sakit!

Hindi ko na kayang tingnan pa sila kaya humarap na 'ko sa railings pero dinig na dinig ko pa rin ang sigawan nina Miss Iryn dahil sa kilig.

Umuwi na lang kaya ako? Damn it. Ayoko namang magmukmok.

Ini-straight ko ang laman ng can habang nag-iisip at nakatulala sa madilim na langit.

Ang ganda sana ng view pero hindi ko ma-appreciate dahil dito sa nararamdaman ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Nakakapanghina.

"Sabi ko kasi sa 'yo ako na lang, e." I heard Sab again and this time ako naman ang humablot ng hawak niya. "Hey! That's mine!"

"Kumuha ka na lang ulit." Walang gana kong sagot saka ininom ang beer niya. Ubos na kasi 'yong sa 'kin.

"Hoy, kayong dalawa! Hindi pa nga tayo nagsisimulang kumain umiinom na kayo agad. Kumain muna kayo!" Sigaw ni Jem.

Lihim akong natawa 'cause she sounds like an angry mom pero itong katabi ko ay parang gusto pang asarin si Jem dahil ang lakas ng tawa. Napaka-loko talaga.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon