Chapter 38

152K 4.4K 6.5K
                                    

A/N: Hello! So before you proceed on reading this chapter, please read the previous chap first para sa mga hindi pa nakakapagre-read dahil nag-add ako nang short scene sa dulo na hindi niyo pwedeng ma-miss out haha. So 'yon lang. Enjoy reading!

=====

"Can you please borrow Nana Dahlia's scissors for me, Leona?" Ava said habang busy ito sa pag-aarrange ng mga flowers from Nana's garden.

Hindi niya alam na ako na ang katabi niya imbis na si Leona na kanina ko pa inutusang pumunta muna kay Nana Dahlia.

At dahil may kalokohan na namang akong naisip ay inilapit ko sa kanya ang isa kong kamay na naka-peace sign. As expected, it caught her attention at salubong ang kilay ako nitong binalingan.

"Scissors?" Nagpipigil ng tawa kong sambit.

"Not funny." Masungit namang sagot nito sabay irap.

I bit my lower lip para hindi kumawala ang tawa ko and I tried my best na sumeryoso.

She's too cute kasi when mad. Ang sarap i-uwi.

"Kidding aside. I just wanna make peace with you kahit wala naman talaga akong ginagawang kasalanan."

Totoo naman kasi. Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon kanina sa loob ng sasakyan ay hindi niya na ako kinausap hanggang makarating kami rito sa baryo.

I waited for her response pero para na naman akong hangin sa kanya. Grabe talaga ang babaeng 'to.

"Ava." I called her but still, no response.

"Miss Andrade." I called her again pero grabe, ang tigas niya talaga.

I took a deep breath. Isang paraan na lang ang naiisip ko and I hope this one works.

"Mrs. Alcantara." Third attempt with cross fingers.

"I'm not your mom."

My jaw dropped because of her response and I was caught off guard for a second. Akala ko pa naman ay makukuha ko na siya ro'n pero ang galing niya rin talagang mambara.

Nang makabawi ay sumandal ako patalikod sa lamesa, still watching her beside me. Hindi ako pwedeng magpatalo.

"But you'll be the mom of my future kids."

And there I got her. Napangisi ako ng makitang napahinto ito sandali sa kanyang ginagawa.

"Can you stop bugging me, Alcantara?"

Mahina akong natawa dahil hindi na siya lumaban sa banat ko pero sorry siya dahil wala pa akong balak tumigil.

"You don't wanna be my wife, Miss Andrade?" Nakangising tanong ko.

"Will you stop talking nonsense?" Kunot-noong sagot nito at sandali lang akong binalingan. I know she's still composing herself dahil hindi siya makatingin sa akin nang matagal.

"Talking about our future is not nonsense, ma'am. Tell me now if you don't para hahanap na lang ako ng iba-"

"Where's the ring?" Putol nito sa 'kin habang nakalahad ang kamay sa harap ko.

Sandali naman akong natahimik dahil hindi agad na-process ng utak ko ang sinabi niya 'cause I'm not expecting that.

"See? You're asking me if I wanna be your wife but you don't have a ring. Are you aware that you're already proposing to me?"

Tuluyan ng nalaglag ang panga ko sa sinabi niya at nakatikim pa ako ng irap.

Oh damn. I didn't expect that and it is kinda embarrassing. Why so dumb kasi, Tamara?!

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon