"Baka matunaw naman. Patay na patay lang?" Dinig kong bulong ni Sab sa tabi ko kaya binalingan ko siya para irapan.
Sino ba naman kasing hindi mapapatitig sa magandang nilalang na 'yon na nakatayo sa gitna ng stage?
She's wearing their uniform today, a white polo shirt with black and white lining on the collar and sleeves and Callister University logo on the left chest part. Naka-tucked in din ito sa suot niyang black slim fit pants and she looks so good and classy with her hair tied up in neat ponytail.
"My love saan 'to ilalagay?"
Napapikit ako sandali ng maalalang kasunod pala namin si Gio. Namilit kasi siya kanina na siya na raw ang magbubuhat ng mga boxes na dala namin papunta rito sa auditorium. Si Sab naman ay sumawsaw pa at pinabuhat ngang talaga sa kanya ang mga kinuha naming curtains at iba pang gamit na pang-design sa stage. Nagpe-prepare na kasi kami para sa org day namin bukas.
"Patay na patay din pala sa'yo 'yang Gio na 'yan?" Pang-asar na naman ni Sab kaya tiningnan ko siya nang masama. Warning her to shut up or sasakalin ko siya.
"Tara dito." Sagot ko naman sa isa pagkatapos siyang lingunin.
Nauna akong maglakad paakyat sa stage habang si Sab naman ay humiwalay na sa amin dahil tinawag ni Jem.
"Pakibaba na lang dito." Turo ko sa table.
Pansin ko ang butil-butil na pawis sa kanyang noo at naawa rin naman ako dahil dalawang box na malalaki ang binuhat niya kaya inabutan ko ito ng tissue.
"Thanks but I will appreciate it more kung ikaw ang magpupunas ng pawis ko."
Tumaas agad ang kilay ko dahil sa sagot niya at ibinato ko sa mukha nito ang hawak kong tissue.
"Baka gusto mong burahin ko 'yang mukha mo, Gio?"
Tawang-tawa naman ang loko habang pinupunasan ang sarili. "Ikaw talaga hindi mabiro."
Sasagot pa sana ako pero hindi na natuloy ng may biglang tumikhim mula sa likuran ko.
Seryosong nakahalukipkip si Miss Andrade ng lingunin ko at malamig pa itong nakatingin kay Gio.
"What are you doing here, Mr. Hernandez?" Mataray na tanong nito na may kasama pang pagtaas ng isang kilay.
"Tinulungan ko lang po si Tamara, ma'am. Paalis na rin naman po ako." Kamot-ulong sagot ni Gio dahil ramdam niya rin siguro ang hindi magandang mood nito.
"I'm going, love. Call me if you need help, okay?"
Napanganga na lang ako at hindi na nakasagot dahil tumakbo na paalis si Gio na may pahabol pang kindat. Loko talaga 'yon.
"Everyone is busy preparing but here you are, flirting with that guy."
I looked at her in disbelief dahil heto na naman siya sa pagbibintang niya ng mga bagay na hindi ko naman talaga ginagawa.
Buntong hininga kong hinarap ang box sa lamesa dahil wala rin namang mangyayari kung sasagot ako.
Ako nga dapat ang naiinis sa kanya dahil hindi siya pumunta sa bahay no'ng isang araw pagkatapos ng awarding. Inimbitan ni Mommy Tami ang lahat na mag-dinner sa bahay at siya lang ang wala. She even said na susunod daw siya pero naka-alis na ang lahat ay hindi pa rin ito dumating. Isa siyang scammer.
Tahimik kong binuksan ang box at inilabas mula ro'n ang black curtain na isasabit sa wall para dikitan ng mga cut out letters.
"Are you ignoring me again, Alcantara?"
Hinarap ko siya dala ang curtain na kinuha ko pero agad din akong nag-iwas dahil sa tuwing nakikita ko ang mukha niya ay nawawala ng parang bula ang sama ng loob ko.
BINABASA MO ANG
Make You Mine
RomanceTamara Kienn Alcantara thought she's straight until she met Ava Calista Andrade, the well-known and reputable professor of Callister University. She's extremely frigid but with exceptional wit and beauty that captures the heart of the youngest Alcan...