Chapter 9

116K 4K 4.4K
                                    

"Sure ka bang okay ka na?"

Napairap ako dahil sa tanong ni Brie. Kanina pa niya tinatanong 'yan at hindi ko na mabilang kung pang-ilan.

"Kanina mo pa ako tinatanong niyan, Brie. Hindi ka pa ba napapagod?"

Papunta na nga ako ngayon sa faculty room dahil ngayon ang unang araw ng pagte-train sa akin ni Miss Andrade para sa competition. Itong si Brie naman ay hindi ako nilubayan at ihahatid daw ako. Baka bigla daw kasi akong mahimatay sa daan. Parang tanga.

"Naniniguro lang. Nakaka-bother kasi 'yang benda sa ulo mo, hindi ako sanay." Nakasimangot niyang sagot.

Huminto ako sa tapat ng faculty room saka siya hinarap. "Sige na. Thank you sa paghatid kahit hindi naman kailangan. Masyado ka lang talagang oa."

"Hindi ako oa, concern lang. Diyan ka na nga! Mag-ingat ka sa pag-uwi ah."

I nodded and waived my hand. Grabe pala mag-alala ang babaeng 'to.

Hinintay ko muna siyang makalayo bago ako pumasok. Si Miss Andrade lang ang nakita kong nasa loob dahil siguro hapon na at nakauwi na rin ang ibang mga professors. Gantong oras kasi ang ini-sched niya para raw parehas kaming vacant.

"I thought you're not coming. Okay ka na ba talaga?" Tanong niya habang may hawak na doughnut sa isang kamay at nasa laptop ang buong atensyon.

"Okay na po ako, ma'am." Sagot ko.

"Have a seat."

Paupo na ako ng mapunta ang paningin ko sa box ng J.CO sa ibabaw ng table niya. May nakadikit pa ro'ng yellow sticky note at bago niya pa iyon makuha ay nabasa ko na galing iyon sa isang section ng engineering.

Sunod na inilapag niya ang isang papel sa harap ko. Hindi ko siya magawang tingnan dahil bigla akong nakaramdam ng inis.

Bakit kapag galing sa iba tumatanggap siya pero kapag galing sa akin hindi? Kailangan ba dapat may sticky note rin akong ilalagay? Ang unfair!

"Answer that." Dinig ko sabi niya.

Hindi ako sumagot at naglabas lang ng ballpen saka tahimik na sinagutan ang equations na naka-print sa papel.

"You can have some doughnuts if you want."

"Thanks ma'am but I'm full." Sagot ko agad habang nakatutok pa rin sa pagso-solve.

"Okay."

I mentally rolled my eyes dahil ang maldita na naman ng pagkakasabi niya ng okay. Mabait naman pareho sina Nanay Alicia at Alex. Siya lang talaga ang kakaiba.

"Done." Wika ko pagkatapos ng ilang minuto. Inilapit ko rin ang papel sa kanya at agad niya naman itong kinuha.

She scanned the paper bago niya ito muling ibaba. "Are you familiar with all of these?"

I understand why she asked that dahil galing sa iba't-ibang topics ang mga equations na pinasagutan niya. Siguro ay sinadya niya iyon para malaman kung hanggang saan ang alam ko.

"Familiar po ako sa iba but I just analyzed the other unfamiliar problems and tried to answer them."

Tumango lang siya at maya-maya ay kumuha ng ballpen. Sinimulan niyang i-explain sa akin iyong mga items na unfamiliar ako. Bigla ko tuloy nakalimutan ang inis ko sa kanya dahil namangha ako when she taught me some shortcuts. Napapanganga na nga lang ako minsan.

Straight to the point din siya kung magturo at wala ng mahabang explanations pa kaya madali kong nage-gets.

"Try to solve these new set of problems." Aniya pagkatapos magsulat ng equations sa panibagong paper.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon