"Anong nangyari? Akala ko ba magsa-start na?"
Kumento ni Brie sa gilid pagkatapos mag-announce ng additional minutes for the preparation of candidates.
Wala namang problema kanina sa dressing room bago ako umalis kaya nakakapagtaka kung bakit humaba pa ang break.
"Tam." Napalingon ako sa pagtawag ni Jem.
"Can you spare us a minute?" Tanong naman kasama nito na ikinakunot ng noo ko dahil iyon 'yong isang host na babae kanina.
Kahit nagtataka ay tumayo ako at lapitan sila. Mukha ngang may problema.
"I'm sorry for bothering but we really need you help. Nagka-emergency kasi 'yong singer na dapat kakanta for the evening gown competition at ngayon lang din nag-advice so hindi na kami nakahanap ng back up."
Nanatili lang akong tahimik habang nakikinig. Parang alam ko na ang sunod niyang sasabihin kaya pinaningkitan ko ng mga mata si Jem.
"Nag-text kasi sa 'kin si Rai kanina tapos ikaw agad ang naisip kong pinakamaganda at pinaka-talented na kilala ko kaya sinuggest kita hehe."
"You're going to pay me for this." May pagbabantang sagot ko dahil hindi ako madadaan sa pambobola niya.
"Don't worry, Tam. Akong bahala sa 'yo after this pageant." Sabi naman ni Rai. Hindi niya na rin ako binigyan pa ng pagkakataong magsalita dahil sa mabilis nitong pagyakap sa braso ko at halos kaladkarin ako pabalik sa backstage.
Damn it. Ano na naman ba 'tong napasok ko?
"Ate Jacque, please take care of her. Siya 'yong palit sa singer for the long gown competition. We only got fifteen minutes." Tawag ni Rai sa make up artist pagdating namin sa dressing room. "See you later, Tam. Ipapa-prepare ko na 'yong piano."
Nangangatog ang mga tuhod kong lumapit sa make up artist pagkatapos niya akong tawagin at pinaupo rin ako agad sa harap ng mirror.
"Ang ganda mo na pala. Hindi na kailangan nang masyadong make up."
Ngumiti lang ako pagkatapos niyang purihin. Hinubad ko na rin ang suot kong head tie at ibinulsa ko agad pagkatapos.
Walang hiyang Jem 'yon. Lagot talaga siya sa 'kin.
Light make up lang ang nilagay sa 'kin at inayos lang din ang straight kong buhok since we don't have enough time daw na i-curl pa ang dulo. Pagkatapos no'n ay may isa pang babae na lumapit sa 'kin at pinagsuot naman ako ng nude spaghetti strap satin mermaid dress.
"Wow! Ang ganda-ganda! Pwede ka ng ihalera sa mga candidates tonight." Napapalak pa na sabi Ate Jacque.
Kanina pa talaga niya ako pinupuri habang inaayusan at lalo pa siyang natuwa ng malamang anak ako ni Mommy Tami. Naayusan niya na raw kasi nang isang beses ang mommy ko kaya raw pala magkamukhang-magkamukha kami.
Dumating na rin ulit si Rai na lumawak ang ngiti pagkatapos akong tingnan mula ulo hanggang paa.
"Oh my gosh! You're so gorg like your mom!" Ayan. Para na naman siyang nagfa-fangirling. Actually siya rin naman. Her curly short layered hair is giving her a strong charisma. Bagay sa kanya ang suot niyang emerald green high neck dress. "Are you ready?"
"As if I have a choice." Buntong hininga ko na ikinatawa niya.
"Akong bahala sa 'yo after this. I owe you alot for saving us tonight." Sa answered winking.
Ayaw ko mang mag-isip nang kung anu-ano pero parang hindi maganda ang nararamdaman ko sa sinabi niya. Medyo touchy rin siya at nakayakap na naman ngayon sa braso ko habang naglalakad kami papunta sa backstage.
BINABASA MO ANG
Make You Mine
RomanceTamara Kienn Alcantara thought she's straight until she met Ava Calista Andrade, the well-known and reputable professor of Callister University. She's extremely frigid but with exceptional wit and beauty that captures the heart of the youngest Alcan...