Chapter 42

150K 4K 4.4K
                                    

Bigla kong naisipang mag-open ng Facebook to check CJ's post dahil ia-upload niya raw ang pictures namin last night. Baka kasi nakalimutan niya ang bilin ko na huwag na huwag niyang isasama ang pictures namin na kasama sina Ava at Miss Chantel dahil mahirap na.

As soon as my news feed opened ay parang biglang huminto sa pagtibok ang puso dahil sa unang post na bumungad sa 'kin.

Wala sa sarili kong ni-click ang picture at lalo pang bumilis sa pagtibok ang puso ko.

Wala sa sarili kong ni-click ang picture at lalo pang bumilis sa pagtibok ang puso ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oh damn. My heart.

Ava changed her profile picture last night and it has thousand hearts and reacts na agad at napakaraming comments.

Gustohin ko mang mag-comment din and tell everyone that this goddess is mine so back off but I know I can't do that... for now.

I'm glad na humupa na ang issue tungkol sa kanya before and thanks to my Mommy Tami na hiningian ko ng help para hindi na kumalat pa ang fake news na 'yon but unfortunately, hindi pa rin nate-trace ng pinsan ni Brielle kung sino ang nag-post no'n sa Callister Secret Files.

Napabuntong hininga na lang ako after mag-heart react and of course I saved it to my gallery.

"Tara na sa cafeteria, Tam." Dinig kong aya ni Brie kaya ibinaba ko na ang phone ko.

Lunch break na pala at mamaya naman kailangan kong pumunta sa MWC office.

"May napapansin ako sa 'yo." Sabi ulit ni Brielle kaya napatigil ako sa pag-aayos ng mga gamit ko at kunot-noo siyang binalingan. "Umamin ka nga. Anong mayro'n? Iba 'yong glow mo e. Hindi ko alam kung dahil ba sa bakasyon mo sa Hacienda Alcantara or naka-move on ka na agad kay Miss Andrade." Sabi niya pa habang masuring nakatitig sa 'kin.

Hindi ko napigilang matawa sa huli niyang sinabi. "Matagal na tayong magkasama pero hindi ka pa rin nasasanay sa ganda ko?"

"Gaga hindi 'yon! Bago kaya mag-sem break parang araw-araw kang pinagsakluban ng langit at lupa pero tingnan mo ngayon, isang linggo lang ang nakalipas pero parang ikaw na ang babaeng pinagpala sa lahat." Tumigil siya sandali para ibaba ulit ang bag na kakasukbit niya lang sa balikat saka ako tiningnan ulit habang nakahalukipkip. "So ano ngang nangyari? Spill the tea."

Sandali ko pa siyang tinitigan at nag-isip kung dapat ko na bang sabihin sa kanya. Kahit naman kasi madaldal ang isang 'to ay alam ko namang totoo siyang kaibigan and I trust her.

I scanned the classroom first to make sure na kaming dalawa na lang ang nandito sa loob. Mahirap na kasi at baka may makarinig.

"Fine. Magkasama kami ni Miss Andrade sa hacienda and we're okay now and... she's also my girlfriend-"

"Whaaaat?! Omg! Wait lang!" As expected ay gulat na gulat ito at hindi nga ako pinatapos. Lumingon-lingon pa siya sa paligid saka siya lumapit pa lalo sa 'kin. Nagulat pa ako nang hawakan niya 'ko sa magkabilang braso.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon