Special Chapter: Baby

126K 3.7K 2.8K
                                    

"Tam-Tam!"

Napatayo ako pagkatapos ibaba ang hawak kong glass of champagne when I say Ivy Connor walking towards me.

"Ivy! It's good to see you here."

Agad ako nitong niyakap nang tuluyan siya makalapit sa akin and I also hug her back.

"Me too, I've missed you so much! Happy birthday!" Sagot niya nang maghiwalay kami.

"Thank you, Ivy."

We're in a cruise ship owned by my mommies and it's in Europe kaya ngayon lang din kaming lahat nagkasama-samang families and friends. Hindi ko nga rin in-expect na sobrang daming invited at pati ang family ni Ava ay nandito rin.

Nagulat na lang ako sa biglang pagsulpot ni Sab at niyakap ako nang mahigpit. "Happy birthday, babe!"

"Tam, is she your wife?" Nagulat ako sa tanong ni Ivy at mabilis akong napailing habang si Sab naman ay napatawa.

"I'm her wife's sister, gorgeous. Sabrina Sy." Sab smoothly answered and then offered her hand.

"Ivy Connor."

Napailing na lang ako habang nagshe-shake hands silang dalawa dahil hindi pa rin pala talaga nagbabago ang babaeng 'to pagdating sa mga babae.

"Oh my! Ikaw pala 'yong sikat na actress sa Hollywood? Wow!" Ani Sab na biglang nawala sa pagka-cool dahil sa gulat.

"I... I'm sorry but I can't understand you."

Natawa ako sa sinabi ni Ivy at sa naging reaksyon ni Sab. Napakadaldal kasi.

"Oh. I just said that you look more gorgeous in person." Banat naman ni Sab.

Napailing na lang ako ulit at napagdesisyunang iwan na muna sila.

"I'll just find my wife." Paalam ko.

Bitbit ang isang glass ng champagne ay nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin si Ava.

Nagpaalam kasi siya kanina na sasamahan niya saglit sina Nanay Alicia at Alex kaya naiwan ako kina CJ kanina kaso nagsisunuran naman na parang buntot kina Miss Loraine.

Finally ay nakita ko na rin si Ava kausap ang daddy niya at nasa iisang table din sila nina Mommy Tam and Mommy Ven kasama sina Nanay Alicia.

Nakangiti akong lumapit unang napatingin sa akin si Alex. She stood up right away and greeted me.

"Happy birthday, Ate Tam!"

"Thank you, Alex. I'm really happy to see you here and Nanay Alicia." Sagot ko pagkatapos naming magyakap.

Sumunod naman si Nanay Alicia na bumati sa 'kin at niyakap din ako nang mahigpit.

"Salamat, anak." Bulong pa niya at lalong nagpalambot sa puso ko ang masaya nitong mga mata.

Alam kong iyong pasasalamat niya is for everything pero ako pa rin ang dapat na magpasalamat dahil ang anak niya ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa buong buhay ko.

Napatingin ako kay Ava nang marinig ko itong mag-excuse sa mga magulang namin bago ito lumapit sa 'kin.

"Where are the others?" Tanong nito. Nagkibit-balikat naman ako dahil wala rin akong idea.

"Dito lang po muna kami mommies, 'nay, and dad." Baling ni Ava sa mga parents namin saka ako nito hinila kung saan hawak ang isa kong kamay.

"Where are we going?" Taka kong tanong dahil tinatahak na namin ang hallway palayo sa mga bisita.

"I wanna show you something."

Hindi na ako nagtanong pa hanggang sa makarating kami sa tapat ng aming suite.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon