Chapter 29

132K 3.5K 3.6K
                                    

Napabuntong hininga ako habang naglalakad kami papasok ng function hall ng isang kilalang hotel.

I'm with CJ and Ate Aia habang sina Mommy Tami and Mommy Ven naman ay nauunang maglakad sa harap namin. Himala nga na hindi ako pinagalitan ni Mommy Ven pag-uwi ko kanina kaya iniisip ko kung anong sinabi sa kanya ni Saf. Masyado atang magaling magpalusot ang babaeng 'yon.

Tungkol naman sa klase ko kanina kay Miss Andrade, unfortunately ay hindi ako nakapasok. Ni-lock niya ang pintuan pagkatapos niyang ibalibag kaya wala akong nagawa kundi ang maghintay sa labas. After naman ng klase ay hindi niya ako kinausap at para na naman akong hangin kanina na nagsasalita pero hindi niya pinapansin.

"Saan ka ba nagsuot kagabi? Bigla ka na lang nawala." Bulong ni CJ.

"Basta. Mahabang kwento." Tinatamad na sagot ko dahil wala talaga ako sa mood.

Kung pwede nga lang ay hindi na ako sumama sa party na 'to pero wala akong choice. Baka tuluyan pa akong mapagalitan.

"You should thank that Montejares for saving your ass." Sabi naman ni Ate.

Gulat akong napatingin sa kanya dahil sa pagbanggit nito ng surname ni Saf. Paano niya nalaman? Don't tell me kilala niya rin ang babaeng 'yon?

"Wait. Sinong Montejares? Si Safarrah ba?" Singit ni CJ na halatang nagtataka.

Okay? What's happening? Paano nila nakilala si Saf?

"Kilala niyo si Saf?" Nagugulohang tanong ko sa dalawa.

"She's the only daughter of the second richest man in the country, Tamara . My gosh! Kahit kailan ka talaga." Napapahilot sa sentidong sagot ni Ate Aia.

"Legit? Si Saf nga? What a lucky ass you got! She's my ultimate crush! Saan mo siya nakita?" Si CJ naman na hindi makapaniwala. Siya talaga 'yong totoong womanizer at hindi ako.

"Sa The Fortress last night." Kunot-noong sagot ko kay CJ.

"Tamira! Architect Venine! I'm so glad you came." A tall and good looking man said na pumutol sa usapan naming tatlo sa likod.

My mommies hugged him.

"Girls, meet your Tito Sebastian." Mommy Tami said.

"He's Safarah's dad." Bulong ulit sa 'kin ni CJ bago kami lumapit at makipagbeso.

"Nice to meet you, young ladies."

"Dad!" Tawag ng pamilyar na boses at maya-maya lang ay dumating na ito sa harap namin. "Tita Ven and Tita Tami! I'm glad to see you again."

She kissed my mommies on the cheeks before facing me. "Hi, cupcake!"

Napasimangot ako ng kurutin nito ang pisngi ko pero agad ding napalitan ng gulat ng halikan na naman ako sa pisngi at niyakap pa ako nang mahigpit.

Goodness. Talaga bang sa harap pa ng mga magulang namin?

"Sana all." Dinig kong bulong ni CJ. Gaga talaga.

"Hello, CJ!" Baling naman nito sa pinsan ko pagkatapos akong bitawan. Parang kakakita lang naman namin kanina.

"Y-You know me?" Si CJ na parang tanga at ngayon ko lang ata narinig na na-utal. Ultimate crush niya ngang talaga.

"Of course! Who wouldn't know the most famous model in the world?"

Namula bigla ang pisngi ng pinsan ko na ngayon ko lang din nakita. Malakas na ata ang tama nito.

"Aiana! We meet at last! You're so pretty rin talaga."

Ngayon ay si Ate ang binalingan niya at grabe rin pala talaga 'tong babaeng 'to, lahat na lang ata kilala niya. Parang ako lang rito ang hindi familiar sa mga tao. Hindi kasi talaga madaling makuha ang interest ko sa kahit saan specially if it's a person. Tanging isa lang talaga ang nakakuha kaso hindi naman ako gusto.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon