Chapter 8

104K 3.5K 4.6K
                                    

"Hoy, Tam!"

Napahinto ako sa paglalakad at nilingon si Brie. Hindi ko siya napansin kanina na nakatayo pala sa gilid ng pintuan.

"Ba't ganyan ang mukha mo? Ano na namang nangyari sa loob?"

"Wala. Tara na sa cafeteria." Inis pa ring sagot ko.

Hinanap agad ng mga mata ko ang usual spot namin pagkarating sa cafeteria. Sobrang dami na kasing estudyante ngayon sa loob.

"Tam!" A sweet familiar voice called me at ng tumingin ako sa dereksyon kung saan nanggaling iyon ay nakita kong kumakaway si Miss Mandy.

"Tawag ka ni Miss Amanda oh." Sabi naman ni Brie sa gilid ko.

"Tara." Sabi ko na lang bago maglakad palapit sa table nila.

"Sabay na kayo samin mag-lunch." Nakangiting aya ni Miss Mandy. Gusto ko sanang tumanggi pero sumang-ayon na silang lahat. Mabuti na lang at wala si Miss Andrade.

Umupo ako sa tabi ni Miss Mandy. Sa kabilang gilid ko naman ay si Brie na ewan ko kung humihinga pa ba. Bigla kasing nanahimik. Katabi niya naman si Miss Iryn at katulad ng dati ay nasa tapat namin sina Miss Loraine at Miss Chantel.

"Order lang po kami ng food." Paalam ko kay Miss Mandy. May mga saliri na kasi silang pagkain at kami na lang ni Brie ang wala.

Tumango ito kaya sinenyasan ko na si Brie na tumayo.

"Gosh! Sasabay ba talaga tayo sa G5 mag-lunch? Omg!" Mukhang tangang sabi ni Brie ng makarating kami sa counter.

Um-order lang ako ng isang sandwich at 'yong favorite kong bottled chocolate milk na Cocio, dark chocolate flavor. Nawalan kasi akong gana dahil sa nangyari kanina kaya ito lang ang kakainin ko.

"Bakit bumili ka pa ng pagkain? May baon ka 'di ba?" Takang tanong ni Brie habang naglalakad kami pabalik sa table.

"Hindi 'yon lunch." Walang gana ko pa ring sagot ko.

Nang makabalik kami sa table ay parang ayaw ko ng umupo dahil naka-pwesto na sa dulo si Miss Andrade. Akala ko pa naman ay hindi siya dadating.

Sandali kaming nagkatingan. Bago pa ako makaiwas ay nauna na siya at pairap pang inalis ang tingin sa akin. Attitude na naman siya.

"Akala ko may packed lunch ka, Tam?" Tanong ni Miss Mandy pag-upo ko.

"This is not my lunch, ma'am." Sagot ko saka inilabas ang laman ng lunch bag.

"Is that a crepe?" Tanong naman ni Miss Chantel ng buksan ko ang tupperware.

Ngumiti ako. "Yes po."

"Can I have one?" Tanong niya ulit. Tumango ako at inilapit sa kanya ang hawak ko.

"This is good." Kumento pa ni Miss Chantel pagkatapos niyang tikman.

"Ako rin pahingi!" Miss Iryn said.

Kumuha rin siya at sunod-sunod na silang humingi bukod kay Miss Andrade na parang may sarili na namang mundo.

"Uy, Ava. Ayaw mo? Mahilig ka sa strawberries 'di ba?" Pansin sa kanya ni Miss Iryn.

"I don't like crepes." Seryosong sagot ni Miss Andrade. Nagulat ako ng tumingin pa ito sa akin sabay irap na naman.

Nakakailan na siya ah. Ano na namang problema niya? Ako nga dapat ang naiinis.

"You made this, Tam?"

Binalingan ko si Miss Mandy saka siya tinanguan. "My mom helped me po."

"Talaga? This is really good." Amazed pang sabi nito.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon