Chapter 12

109K 3.7K 5.9K
                                    

Pagkatapos kong magpaalam kay Miss Mandy ay kabado akong pumasok sa kwarto ni Miss Andrade. Ano ba kasing problema niya?

"Miss Andrade." Tawag ko ng maabutan itong nasa tapat ng drawer. Nakatayo lang naman ako sa tapat ng nakasaradong pintuan dahil baka magalit na naman siya kapag lumapit ako.

Hindi niya ako pinansin. Naghahalungkat lang siya ro'n kaya hinintay ko na lang itong matapos.

Pagkaraan ng ilang minuto ay humarap na ito sa akin sabay bato ng kung ano. This time ay nasalo ko na.

"Change your clothes, Alcantara." Aniya habang nakahalukipkip at naglalakad palapit sa 'kin.

"Ma'am?" Hindi ko kasi ma-gets. Bakit niya ko pinagpapalit ng damit?

"Madami pang dadating na bisita. What you're wearing is in-appropriate."

Napanganga lang ako sa huli niyang sinabi. Ano raw? Grabe naman sa in-appropriate.

"What's wrong with my—"

"Gusto mo bang mabastos?!"

Okay. She really likes cutting me off.

Tinikom ko na lang ang bibig ko dahil alam kong lalo lang siyang magagalit kapag sumagot pa 'ko. Ang sama na naman nga ng tingin niya sa 'kin e.

"I'm just doing this 'cause you're my student and you must obey me."

Iniwanan niya na ako pagkatapos niyang sabihin 'yon kaya wala na rin akong nagawa kundi magpalit.

T-shirt pala ang binato niya sa akin na kulay black. I tucked in the shirt in front and fold the sleeves dahil medyo malaki.

"Uy may pa-change outfit." Pansin agad ni Miss Iryn pagdating ko sa kitchen. Napatingin na rin tuloy ang iba pang professors sa akin. Dito kasi ako itinuro ni Alex no'ng pumunta ako sa living room.

"Upo ka na anak at sumabay ka na sa kanila kumain." Sabi naman ni Nanay Alicia na inaasikaso sila.

"Dito ka, Tam-Tam." Nakangiting itinuro ni Miss Mandy ang katabi niyang upuan.

"Ay ba't may pa-nickname basis, Mandy?" Si Miss Iryn na naman na nasa tapat lang nito. Tahimik lang akong umupo dahil nasa tapat ko pala si Miss Andrade.

"Wala kang pake, Iryn." Sagot ni Miss Mandy na inirapan pa ang kaibigan.

Hindi ko talaga maiwasang magulat sa tuwing nagsusungit si Miss Mandy. Sobrang bait kasi niyan at mukhang mahinhin.

"Hindi bagay sa'yo umirap, Mandy. Kay Ava lang bagay 'yan. Si laging naka-irap." Pang-asar na naman ni Miss Iryn sabay tingin sa katabi niya na agad siyang inirapan. Natawa tuloy ako.

"Can we just eat? Ang ingay mo kanina pa, Iryn. Umuwi ka na nga agad pagtapos mo kumain." Iritado ng sabi no'ng isa na lalo lang nagpangiti sa akin. Ang cute niya kasi talaga kapag naiinis. Lalo lang siyang gumaganda.

"Stop smiling, Alcantara!"

Mabilis akong nag-iwas ng tingin at binura agad ang ngiti ko ng ako naman ang tapunan niya ng tingin. Kita pa rin pala niya 'yon?

"Nay Alicia bakit po mainit ang ulo nitong anak niyo? Kanina pa 'to pagdating namin e. Pinapauwi na rin po ako agad oh." Sumbong ni Miss Iryn na ikinatawa naman ni nanay.

"Baka gutom na kaya kumain na kayo."

Nagsimula na kaming kumain at hindi ko maiwasang mapatingin kay Miss Chantel na nasa kabilang dulo. Hawak nito ang phone niya habang nakangisi. Bigla ko tuloy naisip ang usapan namin ni Ate Aia kanina. May gusto ba siya sa ate ko?

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon