Chapter 13

111K 3.4K 3.3K
                                    

"Hoy Tam don't forget later ah."

Dex tapped my shoulder. I nodded.

"Saan ba?" Tanong ko habang nag-aayos ng mga gamit. Kakatapos lang ng practice namin at nasa locker room na.

"Sa bar ni Claudine. Gotta go!"

Mabilis siyang lumabas kaya hindi na ako nakasagot. She scheduled a team bonding tonight na ginagawa namin twice a month dahil gusto ni Dex na malapit sa isa't-isa ang buong team.

"Uuwi ka pa?" Tanong naman ni Brie.

"Yup. Wala akong dalang pamalit e." Tumayo na ako saka isinukbit ang gym bag ko sa balikat.

"Kita na lang tayo sa parking."

Mabilis akong umuwi at nagbihis. Nagpaalam din ako kina mommy of course. Hindi naman sila mahigpit basta uuwi lang on time.

I parked my car beside Brie's white Audi. Sabay kaming lumabas ng sasakyan at tumaas agad ang kilay ko ng makita ang suot niya. She's wearing a bodycon mesh dress. Mukha lang siyang nakausot ng tube dress dahil see-through ang sleeves.

"Don't drink too much tonight. Maaga ako uuwi." Inirapan ko siya pagkatapos sabihin 'yon.

She giggled and snaked her arms around mine. "Yes, boss."

Napailing na lang ako. Kapag kasi ganyan ang suot niyan ay paniguradong naka-on ang flirt mode.

Hindi ako nagsuot ng dress ngayon. Just a tight jeans and white bralette na pinatungan ko ng black cropped top jacket.

Tumayo agad si Dexie ng makarating kami sa table namin. Mukhang kumpleto na sila.

"Finally! Akala ko kung ano ng nangyari sa inyo."

"Ang tagal kasi ni Tam." Sagot ni Brie at nagbolahan na sila ni Dex.

Umupo naman ako sa tabi ni Sab kahit labag sa loob ko dahil sa kanya na lang ang may space.

"Gorg as always." Bulong niya na inaasahan ko na.

Hindi ko siya pinansin at inabot ko lang ang binigay na baso ni Claudine na nakaupo naman sa kabilang gilid niya.

Nagsisimula na naman akong mainis. Bakit siya pa kasi ang gusto ni Miss Andrade?

"Bakit ang init lagi ng ulo mo sa 'kin?" Si Sab na bubulong-bulong na naman.

"'Cause you're insensitive. You still flirt a lot kahit alam mong may taong masasaktan."

I took the shot first before facing her. Nakatingin lang din siya sa akin pero mukhang nagtataka.

"Sinong nasasaktan? I'm single so I can flirt whoever I want."

"See? You're so insensitive. Ewan ko sa'yo, Sabrina." Inalis ko ang tingin sa kanya dahil nag-iinit na naman ang ulo ko. How can she do that to Miss Andrade at parang wala lang talaga sa kanya?

Hindi ko na ulit kinausap si Sab at inabala ko na lang ang sarili sa pag-inom.

"Tam, tara sa dance floor." Aya ni Brie pero mabilis akong umiling. Wala na ako sa mood.

"Ba't ang KJ mo ngayon? Nasa dance floor na silang lahat. Magpapaiwan ka lang dito?"

I gestured her to go. "I'm good here."

"Okay. Just behave there." Paalala niya na ikinangiwi ko.

"Tell that to yourself, Brielle."

At last ay natahimik na ang buhay ko ng maglakad na ito palayo habang kumakaway.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon