Nakarating na kay Rabby ang balitang pagtira ni Chessa sa bahay ni Marcuz, at pati ang pagkaroon ni Marcuz ng amnesia, hindi niya naiintindihan ang nararamdaman, kahit sabihin man ng kaniyang isip na wala na siyang pakialam kay Chessa, hindi pa rin niya maiwasang taliwas ito sa sinasabi ng kanyang puso.
"I'm sorry kung hindi ko kaagad sinabi sa'yo, alam ko kasing masasaktan ka," bulalas ni Angel kasama ang bigat sa kanyang puso. Alam niyang mahal pa ni Rabby ang kaibigan.
Umiling si Rabby. "Ayos lang, wala na kaming ugnayan kaya bahala na siya," simpling saad nito.
"Fucos na ako ngayon sa tarantadong nakamaskara!" angil nito.
"Oo nga, kumusta na ba ang pagmamanman mo?" pag-uusisa ni Angel.
"Nahihirapan akong lapitan siya, dahil maraming guwardya ang hideout nila, pero magkaka tiyempo rin ako!" gigil niyang tugon.
"Papano mo ba kasi 'yan nakilala?" tanong ni Angel at tumayo at humakbang papunta sa kusina, pagbalik niya ay may dala na itong malamig na tubig.
Inabot niya kay Rabby ang isang Baso.
Lumagok muna siya ng tubig bago simulang ikuwento ang nangyari.
"Minsan na niyang inutusan ang kanyang mga tauhan na kidnapin ako," salaysay nito.
Flashback...
Madilim ang paligid nang pumasok si Rabby sa loob ng kanyang unit, kinapa niya ang switch ng ilaw at binuksan.
Nang mabuksan ito, biglang lumiwanag ang paligid at bumungad sa kanyang harapan ang isang lalaking nakabonet.
Hindi pa siya nakapagsalita naramdaman na lang niya ang biglang pagbatok sa kanya ng isang tao mula sa kanyang likod na dahilan at nawalan siya ng malay.
Nagising siya na hindi magalaw ang buong katawan, inikot niya ang kanyang paningin sa paligid, at napansing nasa loob lamang siya ng kanyang silid, nakatihaya at nakatali ang kanyang mga kamay at paa sa bawat dulo ng kama, kaya hindi niya maigalaw ang katawan.
Kumunot ang kanyang noo at pilit na tinanggal ang mga gapos, ngunit, pulido ang pagkagapos nito at hindi siya basta-bastang makawala.
"Huwag mo nang pilitin... masasaktan ka lang!" bulalas ng isang lalaki mula sa kanyang ulohan at dahan-dahan na humakbang papunta sa kanyang paanan.
Doon nakita ni Rabby ang mukha nito at hindi niya ito kilala.
"Sino ka? Ano'ng kailangan mo sa'kin?!" galit nitong sambit at muling sinubukang tanggalin ang mga tali sa kamay.
"Auggh!" Daing nito dahil nagsimulang humapdi ang kanyang pulso dahil sa tali.
"Hindi mo ako kilala, at huwag kang mag-alala pakawalan ka rin namin kung susundin mo lang ang gusto ng boss namin," may kahulugang litanya nito.
Nagtaka si Rabby kung ano ang pinagsasabi ng lalaking kaharap.
"A-Ano? S-Sinong Boss ang pinagsasabi mo?!" hiyaw ni Rabby.
Tumawa ng pagak ang lalaki kasabay ng pagpasok ng kasama nito.
"Pare, nasa baba na si Boss, paakyat na siya rito," balita nito. Tinanguan lang niya ang kasama at muling binaling ang tingin kay Rabby.
"Behave ka lang, iba kung magalit si Boss," paalala ng lalaki bago lumabas ng silid.
Ilang minuto pa ang nakalipas narinig ni Rabby ang mga yapak na papalapit sa kanya. Hindi niya ito nakita dahil pabaliktad siyang itinali, taliwas sa porma niya pag humiga na nakaharap sa pinto.
BINABASA MO ANG
Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)
RomantikBuong akala ni Arcie na panghabang buhay na ang pagmamahalan nila ni Marcuz. But one day, those happy moments turns into sadness, nang magbalik ang dating pag-ibig ni Marcuz. Si Chessa. Hindi lang sa pagiging sikat na Modelo at anak ng isang Multi...