Matapos maihatid ni Marcuz ang kasintahan at ang anak nito sa bahay, agad naman siyang humayo papunta sa kanyang opisina.
Marami siyang kailangang asikasuhin at kailangan pa nilang pag-usapan ang natuklasan ni Cedi patungkol kay Ms. Garcia ang dati nilang sales manager na napaslang.
Sa kanyang pagpasok sa loob ng kanyang opisina naroon na ang kaibigang si Cedi at hinihintay siya.
Nakangiti ito habang pinagmasdan siyang papalapit sa kanyang working table.
"All set?" tanong ni Cedi sa kauupo lang na si Marcuz.
"Set what?" balik tanong nito habang kasalukuyang kinuha ang laptop sa loob ng kanyang dala-dalang bag.
"Your upcoming wedding, ano pa ba?" hayag nito kasama ang ngiting panukso.
Tumango-tango lang si Marcuz.
"Yeah!" tanging saad nito kasama ang isang matamis na ngiti sa mga labi.
Bahagya namang natawa si Cedi sa inasta ng kaibigan.
"Wow, parang teenager lang," pang-aalaska nito.
Tiningnan siya ni Marcuz. "What's wrong with that, para ka namang hindi dumaan sa ganito," usal nito.
"Yeah I know, at ngayon ko lang namalayang ang corne pala mainlove," aniya at biglang humalakhak.
Natawa na lang rin si Marcuz.
"Alright, maiba tayo, anong balita? May bagong update na ba?" pag-iba ni Marcuz sa usapan.
Biglang napaayos ng upo si Cedi at mabilis na nagseryoso ang mukha.
"Iyon na nga, basi sa dagdag na imbestigasyon ng mga police, nakita sa telepono ni Ms. Garcia na may kausap ito gabi bago siya namatay," salaysay ni Cedi.
"Kausap?" pagklaro ni Marcuz.
Bahagyang natawa si Cedi. "What? Anong nakakatawa?" puna ni Marcuz kasama ang pagkunot sa noo nito.
"E iyan kasing si Ms. Garcia may tinatago pa lang kalandian," bunyag nito at muling natawa.
"What do you mean?" muling tanong ni Marcuz pagkat nalilito siya sa mga binibigkas ng kaibigan.
"Alam mo 'yong nag-uusap sila kung anong oras sila magse-sex, at kung anong posisyon ang gusto n'ya tapos tinanong pa siya ng kausap kung ilang round ang gusto n'ya," hayag nito at patuloy na tumatawa.
Bahagya ring natawa si Marcuz.
"Lahat tayo may tinatagong kalibugan, so ano ang susunod na ginawa ng mga pulis?" tanong ni Marcuz at sinimulang kulikutin ang laptop.
"Ayon, sinubukan pang e trace ng mga pulis ang IP Address ng teleponong ginagamit ng kausap ni Ms. Garcia, pero...," pamimitin ni Cedi.
Biglang napaangat ang tingin ni Marcuz at deretso sa kanyang kaibigan. "Pero ano?" tanong niya.
Napasinghap si Cedi.
"May nakuha silang lead, Rabby. Rabby ang tawag ni Ms. Garcia sa kausap niya sa telepono, at iyon ang tinutukan ng mga pulis sa sunod nilang imbestigasyon," konklusyon nito.
Napabuntong hininga si Marcuz at napatanong sa isip. "Sino si Rabby? At ano ang motibo niya sa pagpatay kay Ms. Garcia?"
Napansin naman si Cedi ang bigla pagtahimik ng kaibigan. "Pare! Ayos ka lang?" pamimitik nito.
Bigla namang nagbalik ang huwistyo ni Marcuz. "Ah y-yes, salamat sa update," tanging naitinig niya.
"Okay pero ako naman ang magtanong," bulalas ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)
RomanceBuong akala ni Arcie na panghabang buhay na ang pagmamahalan nila ni Marcuz. But one day, those happy moments turns into sadness, nang magbalik ang dating pag-ibig ni Marcuz. Si Chessa. Hindi lang sa pagiging sikat na Modelo at anak ng isang Multi...