"Magkakape na lang ako, kailangan ako ng maaga sa opisina," wika ni Marcuz matapos iabot sa kanya ni Arcie ang kaping tinimpla nito para sa kanya.
"Okay," tipid na tugon ng kasintahan kasama ang pag-iba sa awra ng mukha nito.
Napansin iyon ni Marcuz at hindi siya mapakaling hindi tanongin ang kasintahan.
"Bakit?" anito matapos humigop ng kape.
Umiling si Arcie. "Wala... sige, balikan ko muna si Chessa sa sala," aniya at aakma na sanang tumayo mula sa pagkakaupo sa harapan ni Marcuz. Ngunit, bigla siyang pinigilan nito at hinawakan ang kaliwa nitong kamay.
"Mahal, may problema ba?" malumanay na tanong ng lalaki.
Muling umiling si Arcie kasama ang pilit na ngiti.
"Wala... sige na at baka mahuli ka pa sa opisina," sarkastikong saad nito, kasama ang paghalik sa pisngi ni Marcuz tapos ay nagbitaw ng isang malawak na ngiti.
Hindi naniwala si Marcuz sa tinuran ng kasintahan. "No, I know there's something wrong, kaya sabihin mo na nang malaman ko," bulalas nito at tumayo na rin, humarap siya sa kasintahan.
"Mahal, hindi ako mapakali at hindi ako komportable na pumasok sa opisina kung may ganitong hindi tayo napagkakaunawaan," dugtong ni Marcuz at hinawakan ang dalawang kamay ni Arcie.
Bumuntong hininga si Arcie at bahagyang yumuko.
"Gusto kasi sana kitang ayain na puntahan muli ang simbahan sa paparating nating kasal," marahang hayag nito.
Bahagyang natawa si Marcuz. "'Yun lang naman pala eh, dapat sinabi mo kaagad, siyempre naman sasama ako," sagot ni Marcuz at hinawakan ang baba ng kasintahan at bahagyang inangat upang tingnan siya.
Tila naman nahiya si Arcie sa pagiging maarte niya. Ngunit, sa totoo lang tuwang-tuwa siya.
"Baka napipilitan ka lang?" anito at muling niyuko ang ulo.
Muli naman itong inangat ni Marcuz. "Of course not, basta ikaw na ang mag-aya hinding-hindi ako tatanggi at lalong-lalo na tungkol pa sa kasal natin," paliwanag nito.
"Ano? Ngayon na ba? Tara?" Mabilis at pabirong pag-aya ni Marcuz habang hawak-hawak pa rin ang mga kamay ng kasintahan, kasama ang pagsilay ng isang malawak na ngiti sa kanyang mga labi.
Umismid lang si Arcie at bahagyang kinurot ang tagiliran ng kasintahan.
"Mamaya na after breakfast, isama natin si Martin," may ngiting sambit ni Arcie.
"Okay no problem, tawagan ko lang si Cedi na mamayang hapon na ako papasok sa opisina," anito.
"Sige at puntahan ko na rin muna si Martin sa kuwarto n'ya at baka gising na ang bata," bulalas ni Arcie at mabilis na tumalikod sa kasintahan.
Naiwang mag-isa si Marcuz sa kusina. kinapa nito sa bulsa ng pantalon ang kanyang telepono upang tawagan si Cedi.
Habang nagmamadali si Arcie, naalala niyang nasa living room pala si Chessa, kaya dinaanan na muna niya ito.
"Oh my God I'm so sorry, hindi kita ma asikaso today, may lakad kasi kami," bungad ni Arcie nang makalapit sa babae.
Nagbitaw ng isang pilit na ngiti si Chessa. "Uhhm, pwede bang malaman kong saan ang punta nyo?" anito, sinadya niyang itanong iyon at baka sakaling patungkol ito sa ibinalita ni Cedi kagabi kay Marcuz, kailangan niyang kumilos.
"Oo nga pala, pupunta kami sa simbahan kung saan kami ikakasal ni Marcuz, by the way next month na 'yon, dumalo ka ha," may kahulugang hayag ni Arcie.
BINABASA MO ANG
Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)
RomanceBuong akala ni Arcie na panghabang buhay na ang pagmamahalan nila ni Marcuz. But one day, those happy moments turns into sadness, nang magbalik ang dating pag-ibig ni Marcuz. Si Chessa. Hindi lang sa pagiging sikat na Modelo at anak ng isang Multi...