Balak na eset-up ni Chessa si Marcuz para madala niya ito sa batangas, napabahala na lang siya kung magalit si Marcuz, basta magawa niya ang kanyang plano.
Nasa kanyang silid siya habang tumutunga ng redwine, patuloy siyang nag-iisip sa gagawing hakbang, nang bilang tumunog ang kanyang telepono mula sa ibabaw ng kanyang kama.
Tumayo siya habang bitbit ang iniinom, dinanpot niya ang kanyang telepono at sinagot ang tawag.
"Yes?" anito tapos ay tumunga ng redwine.
"Ma'am, are you sure with this?" tanong ng kanyang kausap sa telepono. Ang manager ng ipinatayo niyang clothing brand.
Alam niya ang ibig nitong sabihin, ang pagpapatigil niya sa lahat ng mga nakatayong emitated chothing na sadyan pinatayo niya para kompitensyahan ang business ni Marcuz, ngunit ngayong nakabawi na siya sa tulong ng ama kailangan na niyang itigil ito.
"Yes, I already told you," saad nito. "Hindi mo pa ba nagawa?" may-inis na tanong ni Chessa.
"B-But ma'am, sayang naman 'yong sales, we gained profit, maganda ang takbo ng business bakit natin isara? Iyong mga empleyado natin marami ang mawawalan ng trabaho," paliwanag nito.
Napasinghap si Chessa.
"Sinabi ko bang mag tanggal ka ng mga trabahador? Wala tayong tatanggalin, hindi tayo magsasara, lets just change the business," anito.
"I will be setting a meeting with you pag wala na akong gagawin, para pag-usapan natin ang tungkol d'yan," dagdag niya at agad na pinutol ang linya.
Sa kabilang dako'y kararating lang ni Marcuz sa bahay, agad naman siyang sinalubong ni Arcie.
"Mahal, magbihis ka na at sumunod sa kitchen," bulalas nito at binigyan ng smack na halik sa labi ang kasintahan.
"Alright, si Martin?" tanong nito.
"Nasa Kitchen na, kaya bilisan mo na diyan," hayag ni Arcie.
Tumango lang si Marcuz at mabilis na humakbang paakyat, habang si Arcie nama'y nagtungo na rin sa kusina.
matapos makapagpalit ni Marcuz ay agad rin siyang bumaba at dumalo sa hapag kainan.
Habang kumakain, pasulyap-sulyap naman si Arcie kay Marcuz, nag-iisip ito kong paano niya sisimulang sabihin sa katipan ang nais ni Chessa.
"Yes, mahal?" tanong ni Marcuz, bigla namang napaangat ang tingin ni Arcie at diretso sa kasintahan.
"What is it? Kanina pa kita napapansin, may gusto ka bang sabihin?" dagdag nito at patuloy na nginunguya ang pagkain sa bibig.
Sinulyapan muna ni Arcie si Martin, at nang makita nitong hindi na ito kumain, hinarap niya ito.
"Are you done baby?" tanong nito sa bata, tumango lang si Martin, inabutan niya ng tubig ang bata at agad na tinawag si Yaya Martha upang kunin si Martin.
Nang makuha na ni Yaya Martha ang bata, namayani naman ang iilang sigundong katahimikan sa pagitan nilang dalawa ni Marcuz, hanggang sa nagtanong muli ang kasintahan.
"Come on, ano iyang sasabihin mo?" anito.
Katatapos lang niyang kumain at pinahid na ang bibig gamit ang table napkin.
Muling tiningnan ni Arcie sa mga mata si Marcuz bago ito sumagot.
"Gusto kong ipaalam sa'yo na nais hiramin ni Chessa si Martin ng dalawang araw," hayag nito habang nagsalin ng tubig sa baso.
Walang nakitang kakaibang reaksyon si Arcie sa mukha ni Marcuz, tiningnan lamang niya ang kasintahan at hinihintay ang sagot nito.
"Alright, two days lang naman," walang reklamo na saad nito.
BINABASA MO ANG
Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)
RomanceBuong akala ni Arcie na panghabang buhay na ang pagmamahalan nila ni Marcuz. But one day, those happy moments turns into sadness, nang magbalik ang dating pag-ibig ni Marcuz. Si Chessa. Hindi lang sa pagiging sikat na Modelo at anak ng isang Multi...