🌹Chapter 38🌹

817 21 5
                                    

Matulin na lumipas ang dalawang linggo, na siya namang pinagsamantalahan ni Chessa.

Kasalukuyang nasa ospital ngayon si Marcuz at nagpapacheck-up dahil sa panghihina ng katawan.

Gumana ang ginawa ni Chessa, ang pasimpling paglagay ng lason sa mga kinakain at iniinum ni Marcuz.

"Puwedi ka nang sa bahay lang ninyo magpahinga, wala ka namang sakit, sad'yang kailangan mo lang ng maraming pahinga," sabi ng Doctor kay Marcuz.

"Don't worry, aalagaan kita," bulalas ni Chessa at hinagod ang likod ng lalaki.

Siya ang nag presenta na sumama sa lalaki dito sa ospital at ang tagpong ito ay kasama sa kanilang plano.

Noong nakaraang isang linggo pa sinimulan ni Chessa ang paglason kay Marcuz at ngayong nanghina ito, nagpasya nga itong magpacheck up sa doctor, hindi alam ni Marcuz na ka kontsaba nila ang Doctor, kaibigan ito ng ina ni Chessa kaya madali lang niya itong napakiusapan.

Samantala, sa bahay habang naiwan si Yaya Martha kasama ang alaga, patuloy pa rin ito sa paghahanap ng ebidensya tungkol sa pagdududa niya kay Chessa.

Muli na namang sumagi sa isip nito ang pasukin ang silid ni Chessa, kaya naman wala siyang sinayang na minuto habang wala pa sa bahay ang babae.

Sa kanyang pagpihit sa doorknob ng pinto hindi niya inaasahan na nakalock ito, nagtataka ang matanda pagkat hindi naman pinapadlak ni Chessa ang kanyang silid kahit na aalis ito.

Biglang kinabahan si Yaya Martha, naisip niyang baka ito na ang oras na makakuha siya ng ebidensiya dahil may kutob siyang may tinatago si Chessa sa loob ng silid dahil nakalock nga ito.

Lingid sa kaalaman ni Chessa nasa kay Yaya Martha ang duplicate ng susi sa silid na iyon kaya mabilis niya itong kinuha.

Sa kanyang pagbalik agad niyang binuksan ang pinto ng silid upang makapasok.

Sa kanyang pagpasok gano'n lang ang kanyang nakita, walang kalat malinis ang pagkatupi ng kumot sa ibabaw ng kama.

Sinubukan niyang buksan ang aparador ngunit wala siyang nakita liban sa iilang damit ng dalaga.

Napaisip si Yaya Martha pagkat tila wala na naman siyang mapapala sa araw na iyon.

Nang aakma na sana siyang lumabas, hindi niya alam at napatingin siya sa isang trash bin sa paanang bahagi ng kama at mayamaya ay bigla na lamang siya humakbang at tiningnan ito.

Puro papil lamang ang kanyang nakikita. Ngunit, nang tiningnan niya ito ng mabuti may napansin siyang tila ulo ng isang bote ng gamot, pasimpling inalog ni Yaya Martha ang basurahan gamit ang paa, at dahil do'n lumutang ang isang bote ng gamot, kinabahan na pinulot ni Yaya Martha ang bote at sinuri, walang label, ngunit nang alogin niya ito napagtanto niyang may laman ang loob ng bote.

Nang kanya na sanang buksan ang bote upang tingnan ang nasa loob, bigla namang may nagbusina sa labas ng bahay.

Bumilis ang kaba sa dibdib ng matanda kaya mabilis niyang ibinulsa ang bote at agad na humakbang palabas ng silid.

Nakahinga naman siya ng maluwang nang tuluyang makalabas sa silid ni Chessa, muli niya itong ipinadlak at tiningnan kung sino ang nagbucina sa labas ng bahay.

Sa kanyang pagbukas sa malaking pinto, nakita niya kaagad ang isang kotse sa labas ng gate nakilala niya ang may-ari nito walang iba kung 'di ang matalik na kaibigan ng amo, si Cedi.

Agad na pinagbuksan ni Yaya Martha ng gate si Cedi upang makapasok ito, at nang maparada ng maayos ang kotse lumabas ang sakay sa frontseat si Ethel ang asawa ni Cedi.

Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon