Pagdating nila sa hospital agad na dinala si Chessa sa Clinic ng kaibigang doctor. Pagbukas palang ng pinto bumungad agad sa kanila ang tila natulalang si Angel. Agad namang sininyasan ni Chessa ang kaibigan at agad rin naman itong nakuha ni Angel kung ano ang ibig sabihin nito.
"C'mon. C'mon pahihigain natin siya ditto," pag da-drama ni Angel habang iginiya ang kamay sa isang patient bed sa loob ng kanyang clinic.
Patuloy ang pag da-drama nila. Gaya ng ordinaryong pasyente cheneck ni Angel ang kalagayan ni Chessa habang kasalukuyang nakanood ang mga magulang nito.
"Tita, Tito umupo na lang po muna kayo d'yan, ako na po ang bahala ditto," alok ni Angel sa mga magulang ni Chessa.
"Bakit dito? hindi ba sa emergency room dapat?" pagtatakang tanong ng Don.
"Ayos lang ho Tito, hindi naman grabe ang nangyari sa anak n'yo," paliwanag ni Angel.
"Anong hindi grabe! E bigla siyang natumba kanina!" giit ng matandang Don.
"Shit!" napamura si Angel sa isip. Hindi niya alam ang isasagot dahil hindi niya alam kung ano ang unang ginawa ni Chessa para mapaniwala ang mga magulang nito.
"U-Uhhm...." nauutal si Angel dahil nga hindi alam kung paano ipaliwanag na hindi kailangang dalhin si Chessa sa ER gayong natumba pala ito kanina, mabuti na lang at nagsalita ang ina ng kaibigan.
"Ano ka ba Claudio! Ang dami mong tanong. Doctor ang kaibigan ng anak mo alam niya ang kanyang ginagawa!" anito tapos tiningnan si Angel.
"Sige na hija tingnan mo na ang anak namin," utos ng Donya na siyang agad namang ginawa ni Angel.
Inayos ni Angel ang pagka sara ng kurtina sa pagitan ng patient bed kung saan nakahiga si Chessa at sa kung saan nakaupo ang mga magulang nito. Nang masigurong ayos na, agad na nilapitan nito ang nakahiga at nakangising si Chessa.
"Ano 'to!?" puna niyang pabulong habang nakakunot ang noo. Ngumiti si Chessa. "Ang galing ng acting mo ha," pang-aasar nito.
"Shut up! Alam mo bang kinabahan ako sa ginawa natin? Muntik pa tayong ma buko!" anito.
"What? Bakit?" pagtataka ni Chessa.
"Daddy mo kasi Nagtanong, bakit hindi ka daw dinala sa ER, sinabi kong e check-up ka lang hindi ko naman alam na natumba ka pala hmmm!" may ismid na tugon ni Angel.
Tumawa ng pagak si Chessa. "I know may dahilan ka para doon," sabi ng kaibigan.
"Oo nga pero nataranta ako sa Daddy mo eh, nakakatakot kung mag tanong, mabuti nandyan ang Mommy mo, sa susunod kasi ipaalam mo muna sa'kin ang mga hakbang mo para mag coincide ang mga dahilan natin!" Paanas ni Angel.
"Ssssh! Cool ka lang chill and relax yourself, ituloy mo lang ang ginawa mong pag-acting," sambit nito.
"Freak! At nag makeup ka pa talaga para dito?" bulalas nito habang pinahid ang isang pantal sa braso ng kaibigan. Isang kindat at ngiti lamang ang tinugon nito at sininyasan ang kaibigan na lumabas na at kausapin ang kanyang mga magulang.
Inirapan at nginiwian lamang ni Angel ang kaibigan. Bumuntong hininga pa muna ito bago pumunta sa mga magulang ni Chessa upang ipaalam ang kondesyon ng kanilang anak.
Sa paghawi ni Angel sa kurtina agad na sinalubong ito ng ina ni Chessa.
"Hija, ano na ang kalagayan ng anak namin?" may pag alalang tanong ng Donya, kitang kita ni Angel kung gaano napaniwala ni Chessa ang ina, may kaunting parti sa kanyang isip ang pagka konsensya sa pag sang-ayon niya sa gusto ng kaibigan ngunit kailangan niya nalang itong panindigan dahil nangyari na.
BINABASA MO ANG
Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)
RomanceBuong akala ni Arcie na panghabang buhay na ang pagmamahalan nila ni Marcuz. But one day, those happy moments turns into sadness, nang magbalik ang dating pag-ibig ni Marcuz. Si Chessa. Hindi lang sa pagiging sikat na Modelo at anak ng isang Multi...