A/N: This chapter is dedicated to @Cold_Princess089, si Miss Makulit at Maingay😂✌, hindi kita ma mention sa dedication hindi ko alam kung bakit kaya dito ko na lang isingit, salamat sa pag-aabang. 😊
Sa kanilang pag-uwi ay nauna nang umakyat si Arcie sa kanilang silid ni Marcuz, habang ang kasintahan ay nakipagkuwentuhan pa sa ina ni Arcie at kapatid.
Matamlay na pumasok si Arcie sa loob ng silid, at tila ba nawalan siya ng gana.
Kasabay ng paglapag niya sa dalang bag ang pagtunog ng kanyang telepono sa loob nito, kinuha niya at tiningnan kung sino ang tumawag. Si Lour ang organizer at coordinator nila sa kasal.
Umupo si Arcie sa ibabaw ng kama at sinagot ang tawag.
"Ate Lour Kumusta?" tanong nito habang pilit na nilagyan ng galak ang boses.
"Nakahanda na lahat, excited na ako para bukas!" masayang balita nito.
"Thank you so much ate Lour, maasahan ka talaga," saad naman ni Arcie kasama ang pilit na ngiti.
"Congratulations in advance! Masaya ako para sa'yo...." may tuwang bati ni Lour.
Dito nag bitaw ng totoong ngiti si Arcie habang pinagmasdan ang naka sintrang litrato nila ni Marcuz na nakadikit sa wall ng kanilang silid.
"Maraming salamat ulit Ate Lour," tanging saad niya habang nakatitig sa larawan.
Nagpaalam na si Lour dahil may aasikasuhin pa ito, kaya naputol na ang kanilang tawagan.
Biglang napabuntong hininga si Arcie matapos nilang mag-usap, dahan-dahan siyang tumayo at humakbang palapit sa litrato, patuloy niya itong pinagmasdan kasama ang biglang pagbuhos ng mga luha sa kanyang mga mata.
Araw ng kasal, excited ang lahat, maagang dumating ang make-up artist exclusively para kay Arcie.
Nauna na sa simbahan ang lahat pati ang mga abay ng kasal, si Marcuz rin ay nauna na pagkat hindi sila puweding magkasabay na magtungo sa simbahan ayon sa suhestyon ng kanilang mga magulang, kasama na lang ngayon ni Arcie ay ang ina at kaibigang si Ethel.
"Hoy! Huwag ka ngang umiyak diyan, hindi pa tapos pero nasisira na iyang make-up mo," saway sa kanya ni Ethel nang magsimulang tumulo ang mga luha ni Arcie habang inayusan siya.
"Relax... alam ko ang nararamdaman mo pagkat, ako rin dati ay halos hindi ako mapakali," dagdag nito.
Hindi batid ni Ethel na iba ang dahilan ng pagluha ni Arcie, hindi iyon luha ng tuwa kung 'di luha ng pagkaawa.
Tinuloy na ng nagmake-up kay Arcie ang kanyang ginawa.
Samantala, kapapasok lang ni Chessa sa loob ng mansyon kung saan inabangan siya ng mga magulang, bihis na ang mga ito pagkat imbitado rin sila sa kasalan nina Marcuz.
"Saan ka galing?" may inis na tanong ni Don Claudio nang makalapit si Chessa sa kanila.
"Sa doctor ko lang Dad," pagsisinungaling niya, pagkat ang totoo gumawa siya ng mga hakbang upang pigilan ang kasal nina Marcuz at Arcie.
"Anak magpahinga ka muna, tila puyat ka oh, hindi ka umuwi dito kahapon, saan ka ba nagtungo?" singit ni Donya Crisilda.
Napatingin si Chessa sa ina.
"Kay Angel lang Mom, but don't worry I'm fine," pagsisinungaling muli ng dalaga, dahil ang totoo, nanatili siya sa kanyang bahay upang pagmanmanan ang ikakasal.
Kinausap siyang muli ni Don Claudio.
"Ngayon ang araw ng kasal ni Marcuz, sana wala kang gagawing hindi maganda, dahil kung subukan mong pigilan ang kasal nila itutuloy ko na ang pagpapadala sa'yo sa States," may diin na paalala ni Don Claudio sa anak.
BINABASA MO ANG
Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)
RomanceBuong akala ni Arcie na panghabang buhay na ang pagmamahalan nila ni Marcuz. But one day, those happy moments turns into sadness, nang magbalik ang dating pag-ibig ni Marcuz. Si Chessa. Hindi lang sa pagiging sikat na Modelo at anak ng isang Multi...