🌹Chapter 17🌹

784 16 0
                                    

HINDI pa nakarating si Marcuz sa tapat ng kanilang bahay may napansin na siya mula sa malayo, isang babae ba nakatayo sa labas ng kanilang gate.

Nang makalapit, biglang kumunot ang kanyang noo nang mamukhaan ang babae. Si Chessa, nakangiti itong pinanood ang kanyang sasakyan na papalapit sa kinatatayuan niya. Naalala niya bigla na ngayong gabi pala niya sinabing ipakilala siya sa anak at kay Arcie.

Napabuntong hininga na lamang si Marcuz nang ihinto ang sasakyan sa tapat ng kanilang gate. Yumuko siya at iniisip kung ano kaya ang susunod na mangyayari pagkatapos niyang ipakilala si Chessa mamaya sa dalawa, iniisip niya ang reaksyon ni Arcie.

Muli siyang bumuntong hininga at bumaba sa sasakyan upang buksan ang gate.

"Hey! I'm ready," bulalas ni Chessa nang salubungin siya nito. Napa tsked at napa iling si Marcuz.

"Puwede naman sanang mamaya na lang," may kahulugang turan nito at hindi lumingon sa kanya dahil nakatuon ang atensyon nito sa pagbukas niya ng gate.

"Uhmm, I-I'm sorry excited lang kasi ako e," nakangiting hayag nito.

Hindi na nagsalita pa si Marcuz at mabilis na bumalik loob ng kotse at minaneho papasok sa loob ng bahay papunta sa grahe.

Kumunot naman bigla ang noo ni Chessa pagkat hindi man lang siya inaya ni Marcuz na sumakay sa kotse n'ya, o kaya'y ayain siyang pumasok sa loob. Nagtitimpi lang si Chessa dahil ang totoo ay nais na niyang bulyawan si Marcuz. Ngunit, ayaw niyang maging maldita sa harap nito.

Nanatili siya sa labas hanggang sa bumalik si Marcuz sa kinaroroonan niya.

"Hali ka pasok," walang emosyon na pag-aya nito.

Gano'n paman, Biglang sumigla ang mukha ni Chessa sa narinig.

"Salamat," anito at mabilis na pumasok.

Isinara ni Marcuz ang gate at nagsimulang humakbang papasok sa loob ng kanilang bahay.

"Uhmm, Marcuz, siya nga pala, m-may niluto ako," wika ni Chessa at pinakita ang bitbit nitong tupperware na may lamang ulam, habang nakasunod kay Marcuz.

Bahagya lamang lumingon si Marcuz sa gawi ni Chessa.

"No need to do that," bigkas nito kasama ang kaba sa dibdib at tanong sa isip. Paano niya sisimulang sabihin kay Arcie na nandito ang ina ni Martin?

Nanatili ang kaba ni Marcuz hanggang sa pihitin nito ang doorknob ng pintuan papasok sa mismong loob ng bahay.

"Are you okay?" tanong ni Chessa nang mapansin ang pawis ni Marcuz sa noo.

"Yeah," tipid nitong tugon nang hindi lumingon sa kanya.

Alam ni Chessa na hindi komportable ang lalaki, halatang-halata niya ito sa galaw ni Marcuz, pagkat hindi niya ito maikubli sa babae ang mga galaw niya, sa tagal ba naman ng mga pinagsamahan nila noon ni Marcuz, kaya alam niya kung kinakabahan ito, sabagay hindi nga madali itong gagawin niya.

Nang makapasok, dumeretso sila sa living room. "Sit," alok ni Marcuz habang iginiya ang isang kamay sa kanilang sofa.

"Hintayin mo na lang kaming bumaba," Bilin niya at mabilis na tumalikod kay Chessa.

Nagtungo si Marcuz sa kusina upang tingnan si Arcie, ngunit wala, at si Yaya Martha lamang ang kanyang naabutan.

"Yaya, si Arcie po?" tanong nito sa matanda.

Natigil ang matanda sa ginawang pagluluto at lumingon sa amo.

"Ahh Sir, nasa taas ho, pinalitan ng damit si Martin," pahayag nito at muling binalik ang atensyon sa pagluluto.

Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon