🌹Chapter 42🌹

1K 21 9
                                    

Sa kalagitnaan ng pagmamaneho ng ina ni Marcuz, napansin niya ang isang kotse sa kanyang likod na tila ba sumusunod sa kanya.

Hindi na muna niya iyon pinansin hanggang sa nakarating siya sa daan na bihira na lamang ang dumaang sasakyan, sumilip siya sa side mirror ng sasakyan at nakita niya ang parehong sasakyan na kanina pa sumunod sa kanya.

Nagsimulang kabahan ang ina ni Marcuz, kaya tumawag ito sa anak.

"Yes mom, nakausap n'yo na ba si Yaya Martha? Anong sabi?" wika ni Marcuz nang masagot ang tawag ng ina.

"N-No Son! Hindi pa ako nakarating, pero parang may kotse na sumusunod sa'kin," kinakabahang sumbong nito.

Agad na napaapak sa kanyang preno si Marcuz at tinabi ang kotse sa daan.

Papunta sana sila ngayon ni Chessa kasama ang anak sa simbahan na kanilang gagamitina kasal.

"Mom! Stay calm okay, saan ka na ba banda ngayon at pupuntahan ka namin?" tanong ni Marcuz, habang nagsimula na ring kabahan sa sitwasyon ng ina.

Sa gilid nito ay narinig ni Chessa at kitang-kita niya ang kaba ni Marcuz, kata pasimple niyang tini-text ang ina at inalam kung siya ba ang nagpapasunod sa ina ni Marcuz, pagkatapos ay agad din siyang nagbigay ng simpatya sa lalaki.

"What happen to tita!?" pagulat niyang tanong.

"May sumusunod daw sa kanya," kabado namang saad ni Marcuz at muling binuhay ang makina ng sasakyan, at mabilis na pinatakbo sa lugar na sinabi ng kanyang ina.

Dinukot muli ni Marcuz ang kanyang telepono at tumawag ng pulis upang matulongan siya.

Pagkatapos niyang maireport ang kalagayan ng ina, muli niya itong tinawagan.

"Mom! Andyan pa ba ang sumusunod sa'yo?" kabado pa ring tanong ni Marcuz.

"Y-Yeah, hindi pa rin umalis," saad ng ina na halatang kinabahan din.

"Alright, just drive huwag kayong huminto, at huwag n'yo rin ibaba ang telepono n'yo, tumawag na ako sa mga pulis!" paalala ni Marcuz.

"O-Okay So- Ahhhhhh!!" naputol ang sinabi ng ina nito nang bigla na lang itong sumigaw.

Lalong kinabahan si Marcuz.

"Mom!" sigaw niya ngunit wala na ang ina nito sa kabilang linya.

"Shit!" napamura siya at mas lalong binilisan ang takbo ng sasakyan.

"Marcuz, dahan-dahan lang!" saway ni Chessa.

Hindi nakinig ang lalaki at patuloy pa rin itong nagmamaneho ng mabilis.

Napatingin na lamang si Chessa sa likod ng sasakyan kung saan naroon ang kanilang anak na nagtataka sa nangyayari.

Samantala.

Natigil ang ina ni Marcuz sa pagmamaneho nang bigla niyang inapakan ang preno ng kanyang sasakyan, omovertake kasi ang kotsing sumusunod sa kanya at hinarang ang kanyang daanan, natapon niya ang kanyang telepono kaya ito namatay.

Kinabahan ang Ginang nang makitang may lumabas na dalawang lalaki sa sasakyan, parehong naka bonet ang mga ito, nangingig ang kanyang mga tuhod pati ang kanyang labi, halos hindi niya magalaw ang buong katawan dahil sa sobrang kaba at takot sa posibling mangyari sa kanya.

Mas lalo pa siyang kinabahan nang makitang may binunot ang dalawang lalaki mula sa kanilang likod, at nang makita niya ito, laking gulat niya dahil ito ay mga baril.

Walang ibang ginawa ang Ginang kung 'di ang mag dasal sa kanyang isip at ipinikit na lamang ang kanya mga mata na nagsimula nang tumulo ang mga luha.

Seducing The Businessman (The Ex is Back!) (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon